Wednesday, January 13, 2010

Malas mo...

Sabi ng madame, hindi mo daw mapipili yung taong mamahalin mo,kasi dumadating sya pag hindi ka handa at isasabog nalang sa mukha mo bigla yung katotohanang nababaliw ka na sa kanya..WOOOOW!!! Ang solid!

Nakakapraning kasi yung mundo eh..ewan ko ba at kung bakit hindi ako normal!??
Noong bata naman ako, ang natatandaan ko maayos ang lahat, nakakakita ako ng tama, alam ko yung kaibahan ng kulay ng pula at berde.. Pero nagbago ang lahat nang isang araw na gumusing nalang ako na ang halos lahat ng sinasamahan ko mas babae pa kumilos kesa sakin...

OO,sila na nga! mga bakla ko sa buhay,,masaya, nakakatuwa, kasi ibang dimensyon, malalaim kesa sa inaakala, pero higit sa lahat kakaibang magmahal..
Nalintikan na ako!!!

Kaya ayon,.. nabiktima ako ng sarili kong lason, nahulog ako sa sarili kong bitag, natulala sa kawalan at naghihintay sa walang hanggan..

Siguro, mag-iisang taon nadin akong nagpapakagago sa pag-ibig na ako lang ang may likha, balde-baldeng luha at sipon nadin ang napundar ko, milya-milyang layo nadin ang natakbo ko pero hanggang ngayon hindi padin ako nakakarating,.. ay mali.. siya pala yung hindi makakarating..kasi naman eh.. kahit laklakin ko lahat ng alak, ibuga lahat ng usok, wala na ata talagang sagot sa tanong ko.. HIMALA nalang!!

Nakakalungkot,(syempre naman)! pero higit sa lahat, nakakahinayang.. kasi tama yung panahon eh, tama yung pagkakataon, tama yung buhay ko.. ( noong mga panahong yun), tama yung halos lahat sa akin... MALI lang yung taong minahal ko, kasi ibang klase ng tao yung mga gusto nya..


-OO nainlove ako...

Monday, January 11, 2010

ngiti

“I don’t wanna see you anymore, don’t wanna be the one to play your game, not even if you SMILE, the sweetest smile, not even if you beg me darling PLEASE.”

A line from a song that has been the national anthem of our crazy barkadahan, a.k.a .
“ DI PAPAKABOG Family” hehehe… Sounds funny but actually painful, just like the song, it may sound perky and lively, but the meaning states bitterness and heartache..OUCH!!!
Started from nothing to everything…from nowhere to everywhere…from no one to YOU…
Like a roller coaster ride that brings me excitement and joy, fear and mystery, hope and faith..,
and at the end of every ride I still shout for MORE??!!! Shout for more of YOU and less of ME, more INTIMACY and less ATTACHMENT, more ANSWERS less QUESTIONS…

Asking if it’s better to stay or just let go.. Wanting to hold on to the little reason why I’m here, makes me feel happy, makes me feel alone and pathetic, makes me feel all the different emotions this big world can bring.. This world that roams around you, ME that roams around you, and YOU that roams in a different world…
At the end,.. I still couldn’t figure out the real meaning of the line…
Is it me who don’t wanna see your smile?? Or is it you who don’t wanna see me smiling???

binuhos

sa alak ko binuhos yung lahat,

yung lamig ng pakiramdam,yung hagod ng init...

yung apoy sa pinakaloob na ayaw mawala,

yung sakit na sana sa iba mapunta.



nainggit ako...

bakit hindi ako??? bakit siya lang???

bakit ang tagal??? bakit ang layo???

bakit ang dameng bakit??? bakit walang katapusan???



natawa ako...

parang nababaliw,parang wala sa sarili...

parang walang paliwanag,parang hindi totoo,

parang ang labo,parang halo-halo.



naiyak ako..

nakita ko yung ako,nakita ko yung kame...

narinig ko yung tunay,napatunayan ko yung akala ko,

naliwanagan sa maraming matagal na.



nagalit ako..

yung madalas na pinapakita ko..

yung akala ng lahat na ako,

yung pekeng emosyon para matago yung takot sa maraming bagay.



huminto ako...

napagod sa kakaisip,naubusan ng itatawa, natuyuan ng luha,

napagod sa paglaban,naduwag sa laban...

namulat sa realidad...nakita yung liwanag..



sa alak ko binuhos yung lahat...

yung tapang na mahirap mahanap,yung kaduwagang tinatago...

yung mga salitang ang hirap bitawan, yung mga taong nang-iwan..

yung mga pagmamahal na inalay,sinayang at hanggang ngayon ay hanahanap...



---para ito sa mga taong kasama kong nag-alay at nagbuhos sa alak...

para sa mga nagmahal,at minamahal na hinihintay...

sa SULOK

Sa sulok ng isip ko nagtatago SIYA,tahimik,payapa.. Kung kelan pa siya dun?? Di ko matandaan, di ko namalayan, dun na siya nananahan… Naiinis ako, kasi pinapaalis ko na siya pero sumisiksik padin siya, para siyang tukso, ayaw mo na, alam kong di KAMI pwede pero ayaw niyang mawala.

Mawawala na ako, yun sana ang gusto ko. Pero hindi ko siya kayang iwan, ay MALI,.. hindi ko pala gusto siyang iwan.Hindi ko na alam kung saan pa pwedeng magtago para di kami magtagpo..,

Magtagpo???!!! Mas malabo… wala siyang alam, minsan, gusto kong ipaaalam, kaso lang, mawawala kami pareho, baka wala nang dating kami na makikita,..mas gusto ko pang ilihim ng matagal, matagal… HABANGBUHAY… hanggat kaya ko..paulit-ulit. ..Nakakaburaot!! ako na naman ulit…

ULIT… naulit lang, sakit ko nato, matagal na akong malala, at alam ko na ang katapusan ng kwentong ito,..nakita ko nato ng dalawang beses at makikita ko ulit sa pangatlo,.. at malamang sa malamang eh walang masyadong pagkakaiba.. AKO yung TALO sa simula…sa GITNA…at sa huli umaasang mananalo pero ganon padin,…HINDI pwede,kasi nga…TALO na..ASA ??!!

ASA…hanggang ganto lang naman ako eh…kahit wala ako, mabubuhay siya, hindi mahahalatang wala ako,hindi masyadong mahalaga., at ang totoo,…ako… AKO ang nasa SULOK..hindi SIYA.

-…. “Ung mga taong nakakaalam ng lihim na pagmamahal, ang siya lamang nakakaramdam ng lihim na kaligayahan”…