tag:blogger.com,1999:blog-8789442924495859632024-02-09T01:40:48.906+08:00spot light"my life's on center stage..
I act and I play...ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.comBlogger24125tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-4129442198089467572010-12-02T17:23:00.000+08:002010-12-02T17:24:11.001+08:00My Figure of Speech (LOVE)To colors, to roses, to anything that is essentially unlike you... pretending to be whatever and whoever you maybe, you are my simile. To have an incredible version, to question a nondescript and exceptional connection of you to the other you,and to find reasons and purpose to connect. You're my unique and my weird metaphor.

And only to find out that the hypocritical idea of you, violates the rules I made and my intent. Still,.. made you to stand out from the many every ones like, you are the personification in my unreal and interim life. And I know that an excess is what you mostly possess, your every piece is what I always want to persist.. you are too far, so good, too hard, so difficult, too ironic, so hectic, too messy, so complex, too lawless, so complicated. Many you brings hyperbole in one me.

The description and the misrule, my tongue will speak only your language, my mind will just think of your sense and my heart will roam only with your composition. Hopeless they maybe, nowhere you might be, clueless others can be, but being lonesome I will never be. An endless journey and a long wait are what it takes to bring me to you. Boredom is not in my vocabulary but the meaning is part of my dictionary.

I'll just linger for few thousand scenes spend with you, haunt for chances to finally see you, and pray for an instance to atleast sit beside you. And though being hopelessly romantic kills me most of the time, I would rather die than to stop believing. One day, someday, soon, might be day after tomorrow, maybe next time, can be after whatever's next,.. our road, yours and mine,.. will converge. And for the very first time we'll converse, an unknown dialect of intensity and warmth. And we'll made to discover that you are my figure and I am your speech, with desire and freedom, onset until sunset.

-inspired and dedicated to my friends.. in pain and in hopeless space, wish you still fight and believe that aside from change,.. " LOVE is inevitable and constant in this world."ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-50254636898508221452010-09-20T07:47:00.000+08:002010-09-25T19:29:53.735+08:0023 THINGS I HATE about YOU23 things I Hate about YOU

1. You damn dance really well, I dont.

2. You like RnB music, not so much of my genre.

3. You love pokemon! I cant relate to their evolution.

4. You love DVDs',well everybody does,but movie marathon would really make your day.

( aside from the computer games that youre also fond of )

5. You love shopping, I do too, but not as much as you do.

6. You collect FHMs' -- and you dont want any scratch or any fold on any page- duh!!

7. You speak good english, I bet you do! MENTOR!!! hehehe.. congratssss!!!

8. You cooked carbonara, I never like pasta.

9. You cooked bicol express, binagoongan, scrambled egg and vienna sausages.

--- WAY SPECIAL - ( im just envious of your cooking )

10. You cooked fried chicken, with a bit of sour and saltiness,

( I just cant imitate the way you cook it! )

11. You crave for a special chinese cup noodles that costs 100 plus???

--- extra hot pancit canton for me please!!!! hahaha...

12. You love curry... I dont like it.- coconut milk would be fine.

13. You love black chocolates - I'm not fond of sweets..(pretzels is an exception) uyy!!!

14. You love mangosteen, i never knew theres that kind of fruit existing.

Very expensive in pinas, only 20 baht per kilo here. :)

15. You eat sandwiches with piatos or other chips as filling -- weird for me!

16. You are a certified Health concious!-- best example would be your fruit shakes..

--- mixes of banana, pineapple, and whatever! well thats good for you!

( i heard what happened the last time that you had your high blood)

--- take extra care of yourself!! Drink extra fruit shakes.. hahaha..

17. You go to Quiapo, mostly every saturday, and now I'm missing Nasareno days.

18. You look forward on eating lumpiang sariwa with sarsi soda after church.

19. You love PARES in sampaloc, the best pares in the world for you.

20. You love adobosilog and barbeque, hayzzzz dont forget palabok! you introduced all this food, I cant help but want to have a taste of them again.

21. You love your Family so much- ( this is not part of the things I hate about you)

22. You have a lot of friends, ----- me too...!!! hehehe.. (as I said, better know who are real and who are not)

23 To sum it up! I hate you!, because I'm missing everything that i hate about you and

I'm missing your 23rd birthday..

Happy Birthday DEAR... Have a wonderful Life!ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-46669242087903370702010-09-08T02:48:00.000+08:002010-09-25T19:26:29.950+08:00Si Isoy at ang mga Pangarap koMedyo weird na ikumpara si Isoy sa pangarap, eh anu naman?!, weird naman talaga ako, tulad ni Isoy at ng mga pangarap ko, mahirap basahin, wala naman kasi masyadong nakasulat, mahirap hulaan kahit may bolang kristal ka pa. madalas tinatangay lang ng hangin, kasi dun talaga yung destinasyon nya, pero atleast nahahawakan ko muna.
Dise-otso ako nung una kong makilala si Isoy, yun din ata ang edad ko nung nagsimulang luminaw yung mga gusto ko, di ko nadin sigurado kasi matagal nayun, anim na taon?! Noong una, nalilibang lang ako, hanggang parang nasobrahan at hinahanap-hanap ko na, tulad ng mga gusto ko, laru-laro lang, tas trip ko nang seryosohin.
Kasama ko si Isoy noong nagtapos ako sa kolehiyo, may narating na daw ako kasi tapos na ang mga araw ng pag-aaral, pero yung mga pangarap ko, wala pading nararating, hawak ko palang.
Swerte ata talaga, kasi nakahanap agad ako ng trabaho, pero yung pangarap, iniwan na 'ko. Nakuntento na ko sa buhay, walang masyadong gusot, normal lang kungbaga. Palasak kong dahilan, "bata pa ako, nag-eenjoy pa ako sa kabataan ko". Natutulungan ko naman kahit papaano ang pamilya ko sa mga gastusin, nagbabayad ako ng tuition ng kapatid ko, madame akong barkada, gimik, gala, inuman session, out of town trips, overnight sleeps, konting tulog, dameng gising!!! Pero hindi ako nag-adik, kahit lagi kong naiisip, di ko sinubakan, kung bakit??? walang dahilan,!wag nang magtanung!!
Nabasura na yung pangarap ko, si Isoy naging matalik kong kaibigan, bukod sa madame ko pang kaibigan. Masaya naman, masaya yata!? masaya kaya talaga???

Ayun,.. nagkaproblema na ko,.. naghanap kasi ako ng depinisyon ng salitang SAYA eh, nagtanung ako sa lahat, di din nila alam ang sagot, kung mayroon mang nakapagbigay ng konsepto ng SAYA, malabo naman, o baka hindi ko lang naintindihan at hindi ko inintindi. Tulad ng buhay ko noon na palabo nang palabo at hindi ko na maintindihan. Dameng nang nangyare, dameng realization na naganap.

Sabihin nalang nateng, madame akong naramdaman, halo-halong kalamay ng emosyon, tuwa't lungkot, takot, tapang, tagumpay, pagkabigo, pag-asa, pagkadismaya, pag-iisa at isang kakaibang pag-ibig daw. Nagresulta ng tuluyang paglayo ko sa mga pangarap na parang guni-guni nalang, paglimot sa sarii na animo'y di ko na kilala at nakasama ng dalawampu't apat na taon, si Isoy di padin bumibitiw sa akin.
Madame namang nagmamahal saken, pamilya ko at tunay na mga kaibigan... pero inabanduna na ako ng mga emosyong nabuo ko sa mahirap isepleka kong buhay.
Hanggang isang umaga,... nagising nalang ako sa parang matagal na bangungot, tinulak ako ng sarili ko, nauntog, natauhan, nabanlawan, nahimasmasan, nawalan ng hang-over, lahat nang pwedeng termino, isipin nyu!! basta, bumalik sa katinuan.
Naisip ko, wala namang mangyayari kung magbababad lang ako sa mga nangyari na, at magmumukmok sa sulok at magsisisi. Wala din namang mababago kung maglulungkot-lungkutan ako at magdadrama, wala pa namang ginagawang award para sa TANGA!! Sayang lang ang panahon ko...madame pa pwedeng magbago kasi gusto ko na baguhin.
Kaya yun... isinama ko si Isoy at umalis ako, para hanapin ang pangarap ko.
At eto, sama-sama kameng nagsisimula...

To be continue...ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-42392710661329910172010-09-03T00:08:00.000+08:002010-09-25T19:28:29.115+08:00Kasalanan ng ULANSiguro uulan? mapula kasi ang langit, ganun daw kasi ang kulay ng langit pag gabi at kapag nagbabadya ang ulan. Ayun kasi ang nanatanaw ko ngayon, bukod sa mga ingay ng sasakyan sa baba. Nag-iisa ako sa bayan ng mga dayuhang ni hindi ko maintindihan ang sinasabe at hindi din ako maintindihan, pinipilit kong lakasan ang loob ko, nagtatapang tapangan na naman ako. Merun pa ba akong ibang pwedeng gawin? Kung iiyak ako, maaawa lang ako sa sarili ko, kung magmumukmok ako, baka mabaliw naman ako, ang jologs namang umuwe ng pinas na may saltik sa utak! Hehe..

Ayan at umaambon na nga, malamig ang hangin, lalo ko tuloy nararamdaman na nag-iisa lang ako, malayo sa pamilya, malayo sa mga kaibigan, malayo sa mundong kilala ko at kilala din ako. Dito kasi, lahat estranghero sa akin, yung pagkain na pangunahing sangkap ay sili, kamusta naman ang almuranas ng mga tao dito di ba? Yung paraan ng pagsulat nila na ang sabe ng mga pinoy ay parang bulate, hindi nila kilala ang alpabeto kaya kapag ituturo mo na sa kanila, mga nakatanga lang sayo. Yung mga sign sa kalye, maliligaw ka talaga kasi magkakahawig ang mga lugar dito. Yung mga bus nila, denumero, kaya kung hindi mu alam kung saan dadaan ang mga bus na'to goodluck talaga sayo!

Lalo lumalakas ang ulan, kaya eto at pumasok na ako sa loob dahil naaanggihan na ako, wala na tuloy akong matanaw, naririnig ko nalang ang malakas na ulan, yung tunog na parang katulad din kung paanu umuulan sa pinas, hayzzzzzzzzz.... nakakamiss ang lahat, nakakamiss!

Iniisip ko nalang, mabilis lang ang panahon at baka hindi ko na mamalayan na pauwe na ako sa tahanan namen, mabilis lang ang oras, dapat hindi ako mainip, dapat hindi kame maghabulan. Baka bukas makalawa masanay nadin akong nag-iisa at baka magustuhan ko din, yung pakiramdam na malaya at walang ume-epal sa buhay ko, yung tipong pwede kong gawin ang lahat at wala nang hinihingan ng permiso, yung pwede kong puntahan ang bawat sulok ng kahit saan at walang pipigil sa akin. Pero syempre, sa gilid ng isip ko at sa gitna ng puso ko, alam ko na mas ok parin ang pakiramdam na may mga taong nag-aalala at nag-iisip kung maayos ba ang kalagayan ko. Yung tipong nalulungkot kasi hindi ka nila kasama, yung gagawin kahit imposible malaman lang na ok ako, hmmm.....

Nagdadrama lang talaga ako sa gabing ito, wala kasi akong makausap, wala pa namang net dito sa apartment, kaya maipopost ko palang 'tong artikulong 'to kapag nakasagap na ako ng wifi. Sinasabayan pa kasi ako ng ulan eh, kaya kung anu-ano tuloy nasususlat ko, kasalanan talaga 'to ng ulan.

Nagdadrama lang talaga ako sa gabing ito... ayaw kong magsinungaling sa sarili ko, kaya sasabihin kong,... nalulungkot talaga ako....

Sept 2, 2010

10:31 pm Bangkok Standard Timeecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-24755902165287299772010-08-23T16:31:00.000+08:002010-09-25T19:23:16.986+08:00ginawan kita ng tulaKalimutan mo ang malakas kong boses, sumisigaw at tinatawag ang pangalan mo,
Kalimutan mo ang mukha kong nakatawa at naghihintay ng ngiti mo,
Kalimutan mo ang hawak ko, ang mga haplos at lambing ko,
Kalimutan mo ang mga kanta at sayaw ng buhay ko.

Ibaon mo sa limot ang mga alala ko, mga araw na ikaw ang kasama palagi.
Ibaon mo sa limot ang mga kwentuhan naten, masaya,malungkot,matindi,
Ibaon mo sa limot ang mga nasabe ko, nakasakit o hindi,
Ibaon mo sa limot ang mga sinabi mo, nasaktan man ako o hindi.

Wag na wag mong banggitin ang pangalan ko, kahit ang bansag mo,
Wag na wag mong puntahan ang mga lugar ko, sulok o dulo,
Wag na wag mong kunin mga mumunting ideya, sa akin o sa iyo,
Wag na wag mong hanapin ang anino’t amoy ko, malayo…

Magpatuloy ka na parang hindi ako naging bahagi nito,
Magpatuloy ka na parang hindi mo ako nakilala sa kung paano,
Magpatuloy ka na parang walang hindi nagbago,… higit sa lahat…
Magpatuloy ka at wag mong sundin ang lahat ng sinulat ko, kasi MALULUNGKOT AKO.ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-64021121089799692592010-08-12T15:00:00.000+08:002010-09-25T19:24:44.621+08:00para sa inyoKatulad ako nito, mawawala at muling magpapakita sa iyo,
Katulad ako ng lahat, iniiwan ka’t sinasaktan,
Katulad ako ng iba,paasa palagi, walang isang salita,
Katulad ako ng hindi dating nasa isip mo, baka walang pagbabago.

Kapares ako ng hangin, paparoon paparito,
Kapares ako ng dagat, malalim at papalayo,
Kapares ako ng mundo, malawak at malayo,
Kapares ako ng kahit na ano, at ng parang kahit sino.

Kahalintulad ako ng pangarap, matagal at mahirap,
Kahalintulad ako ng panaginip, iba-iba at mahiwaga,
Kahalintulad ako ng lungkot at pag-iisa, nakakatakot,
Kahalintulad ako ng ligaya, nagtatago sa wala.

Kawangis ko ang pag-asa, ng paghihintay mo sa pagbabalik,
Kawangis ko ang pananabik ng muling yakap mo at halik,
Kawangis ko ang liwanag ng pagkakaibigang sa iyo natagpuan,
Kawangis ko ang pagmamahal, ng hindi paglimot sa dinaanan at ng pupuntahan.ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-78948409540260782242010-05-30T19:44:00.000+08:002010-05-30T19:45:43.763+08:00ilan?!!ilang araw nalang ang bibilangin at matatapos na, ang animo'y
panaginip na pinaglaruan lang ng lahat ng kasali sa akdang di
yata maisusulat kahit kailan...
ilang mga emotion nalang ang pwedeng ibahagi at lahat ng iba
pang emotion ay mababaon nalang sa lupa at tatangayin ng panahon.
ilang mga pangarap ang matatapos at ang ibang darating na pangarap ay
dapat simulan na.
ilang panahon nadin ang nakalipas at animo'y nakulong lang ako sa lugar
na hindi ko kailan man gustong labasan, hanggang isang araw na ang panahon
at pagkakataon nadin mismo ang nagtutulak sa akin upang humakbang papalabas..
masyadong madameng nangyari, madameng bagay na pwede kong baunin, pero mas
madameng bagay na dapat ibaon nalang sa limot..
madalas, tinatanong ko parin yung sarili ko kung kaya ko nga bang lumimot,
kung kaya ko bang baguhin yung mga bagay na nakasanayan ko nang gawin?
kung kaya kong iwan yung mga bagay at mga taong naging parte at malaking
impluwensya kung anu at kung nasaan ako ngayon...
ilang mga bagay nalang ang bibilangin, siguro,... may mga ngiting mapapawi
pansamantala, may mga matang mababasa ng luha, may bahay na tatahimik bigla,
may pagbabago sa gampanin ng iba, may bisitang baka matagalan ang pagbalik,
may ilang taong aalis, at may matatapos na sa wakas...
at sa katapusan, magiging masaya din ang lahat...ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-60276259613708603042010-01-13T15:59:00.001+08:002010-01-15T04:59:40.304+08:00Malas mo...Sabi ng madame, hindi mo daw mapipili yung taong mamahalin mo,kasi dumadating sya pag hindi ka handa at isasabog nalang sa mukha mo bigla yung katotohanang nababaliw ka na sa kanya..WOOOOW!!! Ang solid!

Nakakapraning kasi yung mundo eh..ewan ko ba at kung bakit hindi ako normal!??
Noong bata naman ako, ang natatandaan ko maayos ang lahat, nakakakita ako ng tama, alam ko yung kaibahan ng kulay ng pula at berde.. Pero nagbago ang lahat nang isang araw na gumusing nalang ako na ang halos lahat ng sinasamahan ko mas babae pa kumilos kesa sakin...

OO,sila na nga! mga bakla ko sa buhay,,masaya, nakakatuwa, kasi ibang dimensyon, malalaim kesa sa inaakala, pero higit sa lahat kakaibang magmahal..
Nalintikan na ako!!!

Kaya ayon,.. nabiktima ako ng sarili kong lason, nahulog ako sa sarili kong bitag, natulala sa kawalan at naghihintay sa walang hanggan..

Siguro, mag-iisang taon nadin akong nagpapakagago sa pag-ibig na ako lang ang may likha, balde-baldeng luha at sipon nadin ang napundar ko, milya-milyang layo nadin ang natakbo ko pero hanggang ngayon hindi padin ako nakakarating,.. ay mali.. siya pala yung hindi makakarating..kasi naman eh.. kahit laklakin ko lahat ng alak, ibuga lahat ng usok, wala na ata talagang sagot sa tanong ko.. HIMALA nalang!!

Nakakalungkot,(syempre naman)! pero higit sa lahat, nakakahinayang.. kasi tama yung panahon eh, tama yung pagkakataon, tama yung buhay ko.. ( noong mga panahong yun), tama yung halos lahat sa akin... MALI lang yung taong minahal ko, kasi ibang klase ng tao yung mga gusto nya..

-OO nainlove ako...ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com2tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-91625184783506928102010-01-11T01:49:00.001+08:002010-01-11T01:49:54.373+08:00ngiti“I don’t wanna see you anymore, don’t wanna be the one to play your game, not even if you SMILE, the sweetest smile, not even if you beg me darling PLEASE.”

A line from a song that has been the national anthem of our crazy barkadahan, a.k.a .
“ DI PAPAKABOG Family” hehehe… Sounds funny but actually painful, just like the song, it may sound perky and lively, but the meaning states bitterness and heartache..OUCH!!!
Started from nothing to everything…from nowhere to everywhere…from no one to YOU…
Like a roller coaster ride that brings me excitement and joy, fear and mystery, hope and faith..,
and at the end of every ride I still shout for MORE??!!! Shout for more of YOU and less of ME, more INTIMACY and less ATTACHMENT, more ANSWERS less QUESTIONS…

Asking if it’s better to stay or just let go.. Wanting to hold on to the little reason why I’m here, makes me feel happy, makes me feel alone and pathetic, makes me feel all the different emotions this big world can bring.. This world that roams around you, ME that roams around you, and YOU that roams in a different world…
At the end,.. I still couldn’t figure out the real meaning of the line…
Is it me who don’t wanna see your smile?? Or is it you who don’t wanna see me smiling???ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-58263908282112354942010-01-11T01:40:00.000+08:002010-01-11T01:42:57.289+08:00binuhossa alak ko binuhos yung lahat,

yung lamig ng pakiramdam,yung hagod ng init...

yung apoy sa pinakaloob na ayaw mawala,

yung sakit na sana sa iba mapunta.

nainggit ako...

bakit hindi ako??? bakit siya lang???

bakit ang tagal??? bakit ang layo???

bakit ang dameng bakit??? bakit walang katapusan???

natawa ako...

parang nababaliw,parang wala sa sarili...

parang walang paliwanag,parang hindi totoo,

parang ang labo,parang halo-halo.

naiyak ako..

nakita ko yung ako,nakita ko yung kame...

narinig ko yung tunay,napatunayan ko yung akala ko,

naliwanagan sa maraming matagal na.

nagalit ako..

yung madalas na pinapakita ko..

yung akala ng lahat na ako,

yung pekeng emosyon para matago yung takot sa maraming bagay.

huminto ako...

napagod sa kakaisip,naubusan ng itatawa, natuyuan ng luha,

napagod sa paglaban,naduwag sa laban...

namulat sa realidad...nakita yung liwanag..

sa alak ko binuhos yung lahat...

yung tapang na mahirap mahanap,yung kaduwagang tinatago...

yung mga salitang ang hirap bitawan, yung mga taong nang-iwan..

yung mga pagmamahal na inalay,sinayang at hanggang ngayon ay hanahanap...

---para ito sa mga taong kasama kong nag-alay at nagbuhos sa alak...

para sa mga nagmahal,at minamahal na hinihintay...ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-23835161804587804902010-01-11T01:27:00.000+08:002010-01-11T01:35:42.716+08:00sa SULOK
Sa sulok ng isip ko nagtatago SIYA,tahimik,payapa.. Kung kelan pa siya dun?? Di ko matandaan, di ko namalayan, dun na siya nananahan… Naiinis ako, kasi pinapaalis ko na siya pero sumisiksik padin siya, para siyang tukso, ayaw mo na, alam kong di KAMI pwede pero ayaw niyang mawala.

Mawawala na ako, yun sana ang gusto ko. Pero hindi ko siya kayang iwan, ay MALI,.. hindi ko pala gusto siyang iwan.Hindi ko na alam kung saan pa pwedeng magtago para di kami magtagpo..,

Magtagpo???!!! Mas malabo… wala siyang alam, minsan, gusto kong ipaaalam, kaso lang, mawawala kami pareho, baka wala nang dating kami na makikita,..mas gusto ko pang ilihim ng matagal, matagal… HABANGBUHAY… hanggat kaya ko..paulit-ulit. ..Nakakaburaot!! ako na naman ulit…

ULIT… naulit lang, sakit ko nato, matagal na akong malala, at alam ko na ang katapusan ng kwentong ito,..nakita ko nato ng dalawang beses at makikita ko ulit sa pangatlo,.. at malamang sa malamang eh walang masyadong pagkakaiba.. AKO yung TALO sa simula…sa GITNA…at sa huli umaasang mananalo pero ganon padin,…HINDI pwede,kasi nga…TALO na..ASA ??!!

ASA…hanggang ganto lang naman ako eh…kahit wala ako, mabubuhay siya, hindi mahahalatang wala ako,hindi masyadong mahalaga., at ang totoo,…ako… AKO ang nasa SULOK..hindi SIYA.

-…. “Ung mga taong nakakaalam ng lihim na pagmamahal, ang siya lamang nakakaramdam ng lihim na kaligayahan”…

ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-65459889167090663352009-01-06T11:28:00.001+08:002010-01-15T05:25:52.960+08:00magreresign na ako.hindi ko mamimiss ang pagtulog sa tanghali at paggising sa gabi, ang gawing araw ang kadiliman at gawing gabi ang liwanag. hindi ko mamimiss ang pagbyahe sa halos magmamadaling araw na oras para lang hindi mahuli sa paulit-ulit na trabaho na halos naging buhay ko na. hindi ko mamimiss ang paghahabol ko sa lrt, ang pagsakay ko sa bus at madalas kong pagsakay sa taxi dahil sa pagkasanay sa tamad na gawi..(hehehe). hindi ko din mamimiss ang pagkain ng tanghalian sa madaling araw at pagmimidnight snack sa hapon. hindi ko mamimiss ang building at ang elevator na halos parang bahay ko na.

pero, marami din akong mamimiss, si asel. ang besfriend ko sa etel, si kuya joey, ang nag-iisang kuya ko,si seysey,munti kong malambing na kapatid,at lahat ng mga naging kaibigan ko sa bacchus..lalo na ang walang katulad kong
boss adam..

mamimiss at hahanaphanapin ko din si aj, ( my dear) taong laging nagpapatawa at kasabay ko sa mga kababawang joke sa mundo, si pam,ang mga inuman namin at ang paghatak namin palagi sa kanya ni aj na sumama sa Quiapo,(hahaha,buhay mo???) si magandang ate meng, ang napakasimpleng si jinky na may mahahabang pilik mata, si wiltz..ang utol kong astig..at ang lahat ng naging parte ng team na itinuring ko nang pangalawang pamilya..

mamimiss ko ang maraming tao na nakasama kong tumambay, magkwentuhan, uminom, mag-adik..(peace)!!! mag power nap,tumawa, sumigaw, umiyak.. magrebelde at magmahal...(asus!!! ang drama at ang corni lang)

marami akong hindi mamimiss, pero mas marami akong mamimiss... :-)ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-608805748971981862008-05-04T01:30:00.000+08:002010-01-15T05:23:14.897+08:00My 20 questions to 20 souls...1. How to find you? How to get you? How to keep you? You are something!

2. Why can’t I say no to you? When you say the words,
it rules to me, give me reasons to fail you.

3. When will you be tired loving me?? Are you a superhero??

4. Was there ever a time that you care for me??

5. Do you want to be like me?? Damn!!! Don’t wish!
I’m not the girl you think you know.

6. Do you need me?? Oh, I bet you do. Are we real?

7. What’s in you? I guess you just got the colors, and it never fades.

8. Who are you?? Don’t worry, I don’t need answers, I believe in us.

9. Why do you have to come back when you really can’t,
Why do I need to feel the unexplainable emotions every time you
are around.. I hate you!, please, just hate me too.

10. Why do I miss the old days, the old you and the old me?

11. Are you there? Are you out?? This is still me, hello! Let me see you again.

12. Do you feel sorry for yourself?? I guess not, I can see that you are happy.
Good for you.

13. Are you ok? I’m just a whisper away.

14. Do you know that I can’t read you sometimes??

15. Can you really do it?? Don’t think, just GO!

16. Did you all know that I’m jealous, and I’m running away?

17. Can you really be there for him?? I shouldn’t trust you but I have no choice.

18. Can we give it another shot?? Been missing a lot, want more!

19. Is it yes or is it no?? Do you like me or you’re just one of the gays
who like to flirt?

20. How can I leave when you are the reason for me to stay?ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-23560369738568212282008-02-29T09:45:00.000+08:002010-01-15T05:15:03.996+08:00nagkasakit din akomatagal-tagal na nung huling sumama yung pakiramdam ko!!! ang galing at sa wakas parang mesakit ako,sinisipon, inuubo,nilalagnat at hindi ako makausap ng matino dahil ang sungit ko, para kasing binibiyak ang ulo ko sa sakit at me parang kuryenteng padaan-daan sa kilay ko!! BADTRIP!!

ganun pa man, andito padin ako at magtatrabaho, sayang kasi, bukod sa minsan lang me 29 sa february,last day nadin ng work at rest day na...isa pa,mukha akong pera at ayokong mabawasan ang sahod ko...(pera na naman ang nasa isip kahit kakasweldo lang ngayon) hehehe!!!!

ni hindi ko ininda ang maglakad mula RCBC hanggang PBcom dahil sarado ang AYALA...mga lima hanggang 10 minuto lang naman akong naglakad at pangalawang beses na to dahil pangalawang ulit na din ang rally dito sa mebandang PASEO...(kung saan mismo ako bumababa)...pero parang wala nanam akong masyadong pakialam dahil tulog ako habang sumisigaw sila ng GLORIA RESIGN!!!

hahaha...anu nga ba talaga gusto kong ikwento???

Ahhhh... nga pala... basta nagkasakit ako!!! and I like it!ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-14411117489755283992008-02-28T09:45:00.000+08:002010-01-15T05:13:52.147+08:00labing limang minutolabinglimang minuto bago ulit sumalang sa animoy sirang plankang paulit-ulit na trabaho ng buhay ko.,,naisipan ko munang dalawin ang lugar ng mga kaibigan ko kung saan din nila nilalabas ang mga saloobin nila,,,(hehehe,...hindi ako nag-iisa)

masayang basahin ang mga sulatin nilang naglalarawan sa magulo at makulay nilang buhay,nakakatuwang balikan ang mga larawang marami paring bakas ng nakaraan at kasalukuyan, at sobrang gaan sa pakiramdam dahil kasama ako sa buhay na yun, kasama ako sa nakaraan, kasalukuyan at alam kong pati sa hinaharap.

mahal ko sila sa paraang hindi kayang ipaliwanag, tulad din ng maraming bagay na mas nanaisin mo nalang na wag itanong, importante sila sa akin na parang hindi ko makita ang sarili ko sa mundong ito na wala sila,hindi ko sila kayang hindi mahalin.

nangingiti ako sa tuwing naiisip ko ang marami na naming pinagdaanan, kulang marahil ang isa ulit na ikot ng buhay para ikwento ang lahat,maraming masaya,malungkot, nakakatakot, nakakaiyak,pero mas marami yung nakakabaliw,marami pang darating..

mahal ko sila at hindi nayon mawawala...

hindi kame nag-aaway...(ang galing,parang mga abnormal..hahaha)pero kung sakaling mag-away kame,..wala pading magbabago,mamahalin lang namin ng husto ang isa'tisa.

--alay to sa mahal kong kinship..(lalo na kila BENET at FREND) love you guys!!!ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-78318485752903323902008-02-14T09:18:00.000+08:002010-01-15T05:12:30.007+08:00Guitarexpressions of my soul,actor of different roles

he's my way to know, the path I'll never go.

and with me, he continue and stay...

though I hurt him, day after day.

responds of my heart, healer of different pains,

he's my strum to hear, the music I'll never feel

and with me, he continue and play...

the songs, I'll forever can't pay.

ideas of my mind, observer of different faults,

he's my piece to have, the puzzle I'll never match.

and with me, he continue and wait...

though it might really be too late.

clues of my questions, answer to different prayers,

he's my life to hope, the one I'd first let go.

and with him, I'll continue and sing...

our song, while he's holding his big violin.

-grace-

dec.10, 2006 6:34 pmecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-49286489673998691972008-02-11T09:53:00.001+08:002010-01-15T04:47:58.724+08:00nakalimutan ko...may dapat sana akong isusulat na artikulo,.. isang bagay na ipinangako ko sa aking sarili, kaya lang wala naman akong pag-aalayan ng mga salita ko kaya siguro hindi ko matapos tapos at sa katunayan, nihindi ko pa nga siya nasisimukan.

nitong mga nakaraang buwan naging parang kakaiba ako.. pakiramdam na ngayon lang nangyari sa akin,maraming bagay na hindi ko mapaliwanag at sa palagay ko ay walang makakaintindi.

mula kagabi hanggang kaninang umaga kasama ko ang mga kaibigan ko,mula sa marami naging apat nalang kame,medyo maraming kameng nakain,nainom, napag-usapan, napagkwentuhan,pinagtawanan,banalikan at muling babalikan.

madalas parang hindi kame seryoso pero ang totoo mas seryoso pa kame sa inaakala ng marame, ang totoo importante ang bawat isa, lahat gusto naming pakinggan,gusto naming magsalita, magbahagi ng munting bagay na importante sa iba, lahat mahalaga, lahat kabilang.

may isang taong hindi maipaliwanag, ang gulo..pati ako magulo at patuloy na naguguluhan, kaya hanggang ngayon naiisip ko..kaya ito biglang napasulat ako, yung simpleng presensya niya ang nagpapangiti sa akin, sa isang di maipaliwanag na dahilan, sa isang walang rasong bagay, sa isang malalim na katanungan na mahirap hanapan ng kasagutan, sa isang damdaming hindi kayang ipaliwanag ng isang araw o isang taon mang pagtuklas.

marahil may mga mata siyang kumakausap sa puso ko, may mga ngiting bumubuhay saking dugo, may boses na lumalakbay sa isip ko, may pagkataong gumigising sa parang patay kong mundo at may isang tulad niya sa bakanteng bahagi ng walang mapaglugarang buhay ko.

mahirap ipaliwanag, hindi ko din maintindihan, ayoko ng maling pag-asa, ayaw kong makasakit at lalong sawa na akong masaktan,.. sa lahat ng taong karapatdapat na maging masaya, siya un,,walang iba..takot akong lumaban sa isang laban na hindi ako tiyak kung akin pa,marami nang nangyari, marami nang nag-iba, pero siguro,.. marami pang mangyayari at marami pang mag-iiba..

susulat pa siguro ako, sa ngayon, ito palang ang naiisip at nararamdaman ko,..

bukas siguro ulit,...ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-39077214809009431672008-02-08T09:43:00.000+08:002010-01-15T04:43:41.458+08:00hanggang sa madaling arawhanggang sa madaling araw...

mula nung huli naming pagkikita, hindi pa ata siya nawala sa isip ko,pangalawang sulatin na ito na ayoko mang gawin ay napipilitan ako, ewan ba kung bakit at parang kusang gumagalaw ang daliri ko at ito, sunud-sunod na naman ang mga salitang nailalagay ko.

siguro dahil ito lang ang paraan ko palagi ng pagpapahayag, sa ganito lang napapayapa ang pagkatao ko, sa ganito lang ako nagiging maayos kahit papaano, at ito lang ang alam ko.

patay ako sa umaga dahil pang gabi ang trabaho ko,nabubuhay lang ako pag alam kong mahuhuli nako at kailangan nang magmadali,hay...

paulit-ulit...paulit-ulit, bumabalik nang bumabalik yung muka nya sa isip ko, paulit-ulit...paulit-ulit,naririnig ko ang boses niyang parang hindi ko naman marinig, at paulit-ulit at parang ayaw akong tigilan ng maraming tanung sa isip ko na ayaw ko namang hanapan ng kasagutan.

minuminuto ay minumulto ako ng maraming bagay tungkol sa kanya, minsan nangingiti na lang ako sa kadahilanang hindi ko alam at marahil hindi niya din alam,.. minuminuto ay binabagabag ako ng maraming bagay tungkol sa akin, minsan nalulungkot ako sa kadahilanang hindi ko alam at marahil walang may alam.

gusto kong kunsintihin ang sarili ko tulad ng lagi kong ginagawa, kaya lang... hindi ata tama, wala atang lugar para magsimula dahil wala rin daan para lumabas.

ang gusto ko ngayon ay ang mapakinggan siya, kung ano ang masasabi nya sa mga kadaldalan kong halatang-halata sa mga artikulong tulad nito, ang gusto ko ay maging masaya ako at maging makasarili kahit saglit lang, ang gusto ko ay maging masama at maging iba sa pangkaraniwang ako,pero higit sa lahat,.. ang gusto ko ay maging masaya siya.

siguro, maiisip ko padin siya, at iisipan ng iisipin hanggang sa sumabog ang isip ko pero walang mangyayari kundi isipin padin siya,ang totoo, ayokong tigilan ang sarili ko sa pag-iisip sa kanya,bakit? malay ko? ewan?ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-88978195419661973102007-12-05T01:54:00.000+08:002010-01-15T04:51:33.360+08:00Namatay siya...mag aalas nuebe ng gabi, papasok na ako sa trabaho... tumatawag si ben,hindi ko nasagot, nabasa ko na lang ang text niya,,,"kelengan nating magkita"... tinawagan ko siya, magkita daw kame sa edsa central "starbucks"...me problema daw ang kaibigan namin..
kulang na lang ay paliparin ko ang taxing sinasakyan ko para lang makarating ako agad duon..:(animated na po ang pagkakalarawan ko)" pasensiya..
walang umiiyak, walang malungkot, walang kahit ano...pero alam ko na meron...ewan!!!

NAMATAY SIYA!!!
mahirap ipaliwanag,walang makakaintindi..kame lang! KAME!!! yung mga tao lang na nandun at hanggang ngayon ay nandun,nagpupuyat,natutulog,kumakain,nag-uusap,gustong umiyak,gustong magdrama,nang-istorbo,kumatok,tumambay,sinayang ang isang gabi ng trabaho para makiramay sa namatay na kaibigan namin..
.WALA NA SIYA!!!
baka hindi na bumalik ang mga ngiting nung isang araw lang ay kinaiinggitan ko, yung mga kwentong nagbibigay sa akin ng inspirasyon, yung mga salitang gamot ko sa karamdamang nararamdaman namin ngayon, yung mga tawang magpapaalala na minsan ay lumaban siya at sanay lumaban padin siya ulit,yung mga yun...

PANU KO BA IPAPALIWANAG???
putang inang!!! ano bang gagawin ko? ano bang gagawin namin? san ba siya magsisimula? san kami magsisimula? paano namin ito tatapusin? tapus na ba? nasaan na? meron ba talaga? ano na ngayon?sino na?

HULI NA'TO???
mag-aayos kame ng buhay..mag-aayos kame ng patay,ililibing namin ang gabing ito,ibabaon at pagdating ng araw ay muling huhukayin,muling babalikan,isang gabi lang to ng marami pang gabi ng pagsasama at pakikiramay sa marami pang beses ng pagkamatay at muling pagkabuhay ng kaibigang habang panahon ay mananatili sa mga baliw naming personalidad.

ANU DAW?
nagulan din ako...maguluhan din sana kayo!!!
tulad ng dati,hindi ko padin alam ang katapusan ng istoryang ito..siguro,..walang matutulog, iidlip lang..nanakaw ng konting pahinga sa pagod na pagod nang isip at katawan, sa bugbog na bugbog nang pagkatao,pag-asa, panghihinayang,pagsusumamo,paghahanap,pagtatanong, pagkamangha sa buhay na sanay namatay na nga ng tuluyan..ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-71601410370945921442007-11-26T09:53:00.000+08:002010-01-15T04:53:54.027+08:00BANGUNGOT!!!Matapos kong masabi sa kanya,..sa nobelang ipinahayag, sa mga letrang pinaiksi upang maipadala sa papamagitan ng paraang ang tawag ay "text",marami na akong naisip gawin... daig ko pa ang naturukan ng kung anong gamot at high na high ako.

Simple lang naman mga bagay na gusto kong gawin, makasama siya, magkwentuhan,hawakan ang kamay niya na parang huli na yun,makasabay siyang maglakad,makatabi sa bus,tumawa,magdrama at mabaliw kasama niya.

Yung mayakap siya paminsan-minsan,mahalikan,makatabing matulog at pwede ding maglakbay sa langit na nakasakay sa ulap ng pananabik at pagkanais,isantabi ang inhibisyong matagal na nagrehas at bumulok sa pagkatao ko.

Nais kong magnakaw ng konting oras at atensyon nya,nagpupumiglas ang damdamin ko. Sasabog ako anu mang oras, malala ako!!! Sabi nya babatukan daw nya ako, at magpapabatok naman ako,..haha..baka sakaling matauhan..

Sabi niya MALI daw, sabi ko hayaan mo na,saglit lang naman eh, sangdaang araw lang ng pagkagago sa pag-ibig na minsan ko lang ilalaban at hindi ko pa kayang isuko sa ngayon.

Hindi nya alam kung gaano siya kahalaga sa ibang-iba ko nang buhay ngayon, kung gaano ko pinangarap na aalayan nya din ako ng kahit anong munting bagay na sadyang ginawa niya para lang sa akin,kung paano ko inisip ang mga segundong maya't maya ay pumapatay sa akin..

Kahit kailan hindi mali,walang mali sa kanya, gusto ko lang subukan niya, wala akong babaguhin,hindi ko susubukan..gusto ko lang magdagdag ng kulay sa dati nang matingkad niyang pagkatao. Kahit kailan di ako pwedeng maging palamuti sa kanya, simple lang ako..

Gusto kong pumayag siya,makulit ako,baliw talaga!!

Dalwang bagay lang,matapos ang sangdaang araw,..iiwan ko siyang masaya ako at magkaibigan parin kame habang buhay o hindi na niya ako iiwan dahil naging masaya siya.

Lagi kong maaalala na minsan ay nalunod ako sa isang panaginip na kalaunan ay naging bangungot..wala akong pagsisisihan,..hindi din siya magsisisi...

Kaibigan nya ako,mahal niya ako, kaibigan ko siya...mas mahal ko siya!! Hindi patas,pero ayos na..wala akong reklamo,walang inaasahan,..

Gusto ko din siyang bitiwan pagnatapos ang lahat,pero hindi pa ngayon,hindi pa!

Uubusin ko muna ang pagkagago,pagkabaliw at pagkaadik ko sa damdaming paminsan-minsan lang sumumpong sa abnormal kong puso.

Hindi ko alam kung san tutungo ang akdang ito,hindi ko din alam kung paano tatapusin,pero alam ko na mababasa niya 'to..

-"kung may pagkakataon para mamili,gusto ko paring ulitin ang lahat ng ito, mamamatay at mabubuhay ako,pero ikaw ang nag-iisang ingay na yayanig sa mundo ko,dito lang nagkakasaysay ang buhay ko."ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-51070715966524015512007-07-27T02:24:00.001+08:002010-01-15T05:08:32.004+08:00Unang Walang Pamagat kong Komposisyon"Dalawangpu't isang taon ng parang paulit-ulit na araw ng buhay ko, walang kwenta, walang kulay, walang bago."

Nawala ako, tumakbo na parang hindi na mapapagod, nagtago na parang hindi na mahahanap, naduwag na parang hindi na lalaban ulit, nang iwan na parang wala nang babalikan, umiyak ng mga luhang parang hindi na mauuubos, sumigaw sa boses na parang hindi na mapapaos, at hinanap ang sarili sa parang nawawalang AKO.

Nawala ako, sa mundo na parang sila lang ang nagpapatakbo, sa buhay na parang sila lang ang kumokontrol, sa hiningang parang sila lang ang nagbibigay, sa oras na parang sila lang ang nagpapatakbo, sa lugar na parang sila lang, at sa kanila na parang walang AKO.

Nawala ako, pakiramdam na parang nababaliw, emosyong parang laging sasabog, damdaming parang laging nagsusumamo, pusong parang laging kumikirot, dugong parang hindi na dadaloy, at manhid na sana'y parang AKO.

AKO, nawala sa direksyong dapat tahakin, nawala sa dapat na sabi nila'y kailanagn, nawala sa kailangan na idinidikta lang, nawala sa idinidikta na ipinipilit ng iba na dapat, at nawala sa iba upang mahanap ang AKO.

Natagpuan ko na lang ang sarili kong nagsusumbong sa dagat, kinakausap ang hangin, pumupukol sa kawalan, niyayakap ang alon, pinakikiramdaman ang buhangin, at kinakaibigan ang kalangitan.

Ayaw ko nang huminto sa pagtakbo, hindi muna ako lalaban, naduduwag ako! Ayaw ko nang magpakita at ayaw ko nang bumalik, gusto kong makalimot, gusto kong kalimutan! Iiyak at sisigaw na lang ako. Nawala ako,...at nawawala parin AKO.

PAHABOL...

( alay ko to sa tatlong tao na higit na nakakaunawa sa lahat ng mga nakasulat dito,... kay pasa, kay ben, at kay frind.. mahal ko kayo)ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-30851968455748603032007-07-13T21:44:00.000+08:002010-01-15T05:06:45.884+08:00STOKWAtxt ni ben- GUS2 KO MAGLAYAS! Gus2ko lng lumayo...2 realized things,2reflect. Umiyak ng walang nakakarinig. Sumigaw hanggang sa mapaos.Hawakan ang buhay ko. Layas ha as is Stokwa, hndi bakasyon! Ung tipong di mo alam kung kelan ka babalik or kung my babalikan ka pa ba..
Tas lahat hinahanap ka... Nag aalala sayo. Di malaman kung buhay ka pa.. nasan ka. WEIRDO. Para kaseng nakakakulong ako sa apat na sulok ng mundo. Umiikot sa pera trabaho, puso,kompyuter,kaibigan, pamilya,bahay. Ano ba yung mahalaga?Gus2 ko malaman.San ba ako dapat magpunta? Sama ka ba? Habang gento palagi lalo ko lang nararamdaman kabobohan ko mga bagay na di dapat gnawa. Sana me beer, tulog na sana ako ngayun at di na iniisip ang mga kalokohang ito. Tulog na!

dapat na txt ko sa kanila- pwede nyung isipin na nang iwan ako at naging makasarili, pero ni hindi ko nga kayang gumawa ng kahit na anong hakbang sa ngayon maliban sa paghinto,i realized na masyado tayong naging matapang,lahat hinaharap natin,4 once gus2 ko lng maduwag,matakot, mag-isa, baka mahabol ko pa yung AKO, bago tuluyang mawala, d ko talaga alam gus2 ko,sarap umiyak, kapagod nga lang, afterwards maginhawa konti ung pakiramdam,yet nandun pa din, sabi ko nga gusto ko tumakbo,malayo at ayaw ko nang bumalik, looser? OO, matagal na, ds pass few days wat we had was only each other, at sabay2 taung nagpa2agos sa kung anu na lang mangyari, pareparehas tau, gus2 palayain yung sarili na sa tingin natin iba ung nagpapatakbo...

matagal na2ng saltik na problemang2, salamat ke ben nabuksan isip natin, wag ka alala frind, hndi ibigsabihin ng paghinto ko eh pagsuko, di ko lng kayang maging positive ngayon,lam kong gusto nating solusyunan2 ng samasama, pero ayaw kong maging pabigat sa inyo. kaya magpapaiwan muna ako...

mahal ko kau....ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-248791487573327452007-06-06T23:49:00.000+08:002010-01-15T05:02:42.575+08:00para sa kanya...muntik ko nang makalimutan kung gaano kasaya pag kasama ka, malapit ko na rin sanang tinalikuran ang buhay na kasama ka, muntik na akong maglakbay na wala ka, malapit ko nang solohin ang lungkot at angkinin ang pag-iisa...

ang totoo,ayaw kitang makasama..ni ayaw kong makita ka o makarinig man lang ng kahit anu tungkol sayo, ang totoo,mas gusto kong mabuhay ng wala ka,ang maglakbay na di ka iniisip, ang angkinin ang mga bagay na pwedeng akin lang, wala ka...ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0tag:blogger.com,1999:blog-878944292449585963.post-16511833011735529092007-05-22T03:45:00.000+08:002010-01-15T05:01:18.787+08:00Sa tabi nya...Sa tabi nya malabong masaya malabong hindi...magkahalong damdamin na madalas pumapatay sa'kin,gusto ko sanang magreklamo pero alam ko na simula palang talo na. Ayoko namang umiyak...sawa na ako dun,palipasin ko nalang...sana ganun kadali...

Sa tabi nya gusto kong manatili pero gusto ko din umalis...nakakapagod, nakakasawa, pero buong pagkatao ko bumabalik sa kanya... Hindi pa malalalim, kaya umaasa ako na baka makawala pa ako sa rehas nya...nababaliw ako tuwing naiisip kong mahuhulog na nga ako ng tuluyan sa kanya.

Sa tabi nya sumasayaw yung puso ko,sa tunog na alam kong wala naman sa tiyempo...kaya kahit gaano kagulo...sumusunod padin ako...pero kahit dangkal lang ang pagitan namin...hindi nya ako nararamdaman...wala ako...

............kahit nasa tabi nya ako hindi nya ako nakikita...kasi, may tinititigan siyang iba...ecarghttp://www.blogger.com/profile/05278645350044096030noreply@blogger.com0