mag aalas nuebe ng gabi, papasok na ako sa trabaho... tumatawag si ben,hindi ko nasagot, nabasa ko na lang ang text niya,,,"kelengan nating magkita"... tinawagan ko siya, magkita daw kame sa edsa central "starbucks"...me problema daw ang kaibigan namin..
kulang na lang ay paliparin ko ang taxing sinasakyan ko para lang makarating ako agad duon..:(animated na po ang pagkakalarawan ko)" pasensiya..
walang umiiyak, walang malungkot, walang kahit ano...pero alam ko na meron...ewan!!!
NAMATAY SIYA!!!
mahirap ipaliwanag,walang makakaintindi..kame lang! KAME!!! yung mga tao lang na nandun at hanggang ngayon ay nandun,nagpupuyat,natutulog,kumakain,nag-uusap,gustong umiyak,gustong magdrama,nang-istorbo,kumatok,tumambay,sinayang ang isang gabi ng trabaho para makiramay sa namatay na kaibigan namin..
.WALA NA SIYA!!!
baka hindi na bumalik ang mga ngiting nung isang araw lang ay kinaiinggitan ko, yung mga kwentong nagbibigay sa akin ng inspirasyon, yung mga salitang gamot ko sa karamdamang nararamdaman namin ngayon, yung mga tawang magpapaalala na minsan ay lumaban siya at sanay lumaban padin siya ulit,yung mga yun...
PANU KO BA IPAPALIWANAG???
putang inang!!! ano bang gagawin ko? ano bang gagawin namin? san ba siya magsisimula? san kami magsisimula? paano namin ito tatapusin? tapus na ba? nasaan na? meron ba talaga? ano na ngayon?sino na?
HULI NA'TO???
mag-aayos kame ng buhay..mag-aayos kame ng patay,ililibing namin ang gabing ito,ibabaon at pagdating ng araw ay muling huhukayin,muling babalikan,isang gabi lang to ng marami pang gabi ng pagsasama at pakikiramay sa marami pang beses ng pagkamatay at muling pagkabuhay ng kaibigang habang panahon ay mananatili sa mga baliw naming personalidad.
ANU DAW?
nagulan din ako...maguluhan din sana kayo!!!
tulad ng dati,hindi ko padin alam ang katapusan ng istoryang ito..siguro,..walang matutulog, iidlip lang..nanakaw ng konting pahinga sa pagod na pagod nang isip at katawan, sa bugbog na bugbog nang pagkatao,pag-asa, panghihinayang,pagsusumamo,paghahanap,pagtatanong, pagkamangha sa buhay na sanay namatay na nga ng tuluyan..