Kalimutan mo ang malakas kong boses, sumisigaw at tinatawag ang pangalan mo,
Kalimutan mo ang mukha kong nakatawa at naghihintay ng ngiti mo,
Kalimutan mo ang hawak ko, ang mga haplos at lambing ko,
Kalimutan mo ang mga kanta at sayaw ng buhay ko.
Ibaon mo sa limot ang mga alala ko, mga araw na ikaw ang kasama palagi.
Ibaon mo sa limot ang mga kwentuhan naten, masaya,malungkot,matindi,
Ibaon mo sa limot ang mga nasabe ko, nakasakit o hindi,
Ibaon mo sa limot ang mga sinabi mo, nasaktan man ako o hindi.
Wag na wag mong banggitin ang pangalan ko, kahit ang bansag mo,
Wag na wag mong puntahan ang mga lugar ko, sulok o dulo,
Wag na wag mong kunin mga mumunting ideya, sa akin o sa iyo,
Wag na wag mong hanapin ang anino’t amoy ko, malayo…
Magpatuloy ka na parang hindi ako naging bahagi nito,
Magpatuloy ka na parang hindi mo ako nakilala sa kung paano,
Magpatuloy ka na parang walang hindi nagbago,… higit sa lahat…
Magpatuloy ka at wag mong sundin ang lahat ng sinulat ko, kasi MALULUNGKOT AKO.
Monday, August 23, 2010
Thursday, August 12, 2010
para sa inyo
Katulad ako nito, mawawala at muling magpapakita sa iyo,
Katulad ako ng lahat, iniiwan ka’t sinasaktan,
Katulad ako ng iba,paasa palagi, walang isang salita,
Katulad ako ng hindi dating nasa isip mo, baka walang pagbabago.
Kapares ako ng hangin, paparoon paparito,
Kapares ako ng dagat, malalim at papalayo,
Kapares ako ng mundo, malawak at malayo,
Kapares ako ng kahit na ano, at ng parang kahit sino.
Kahalintulad ako ng pangarap, matagal at mahirap,
Kahalintulad ako ng panaginip, iba-iba at mahiwaga,
Kahalintulad ako ng lungkot at pag-iisa, nakakatakot,
Kahalintulad ako ng ligaya, nagtatago sa wala.
Kawangis ko ang pag-asa, ng paghihintay mo sa pagbabalik,
Kawangis ko ang pananabik ng muling yakap mo at halik,
Kawangis ko ang liwanag ng pagkakaibigang sa iyo natagpuan,
Kawangis ko ang pagmamahal, ng hindi paglimot sa dinaanan at ng pupuntahan.

Subscribe to:
Posts (Atom)