mag aalas nuebe ng gabi, papasok na ako sa trabaho... tumatawag si ben,hindi ko nasagot, nabasa ko na lang ang text niya,,,"kelengan nating magkita"... tinawagan ko siya, magkita daw kame sa edsa central "starbucks"...me problema daw ang kaibigan namin..
kulang na lang ay paliparin ko ang taxing sinasakyan ko para lang makarating ako agad duon..:(animated na po ang pagkakalarawan ko)" pasensiya..
walang umiiyak, walang malungkot, walang kahit ano...pero alam ko na meron...ewan!!!
NAMATAY SIYA!!!
mahirap ipaliwanag,walang makakaintindi..kame lang! KAME!!! yung mga tao lang na nandun at hanggang ngayon ay nandun,nagpupuyat,natutulog,kumakain,nag-uusap,gustong umiyak,gustong magdrama,nang-istorbo,kumatok,tumambay,sinayang ang isang gabi ng trabaho para makiramay sa namatay na kaibigan namin..
.WALA NA SIYA!!!
baka hindi na bumalik ang mga ngiting nung isang araw lang ay kinaiinggitan ko, yung mga kwentong nagbibigay sa akin ng inspirasyon, yung mga salitang gamot ko sa karamdamang nararamdaman namin ngayon, yung mga tawang magpapaalala na minsan ay lumaban siya at sanay lumaban padin siya ulit,yung mga yun...
PANU KO BA IPAPALIWANAG???
putang inang!!! ano bang gagawin ko? ano bang gagawin namin? san ba siya magsisimula? san kami magsisimula? paano namin ito tatapusin? tapus na ba? nasaan na? meron ba talaga? ano na ngayon?sino na?
HULI NA'TO???
mag-aayos kame ng buhay..mag-aayos kame ng patay,ililibing namin ang gabing ito,ibabaon at pagdating ng araw ay muling huhukayin,muling babalikan,isang gabi lang to ng marami pang gabi ng pagsasama at pakikiramay sa marami pang beses ng pagkamatay at muling pagkabuhay ng kaibigang habang panahon ay mananatili sa mga baliw naming personalidad.
ANU DAW?
nagulan din ako...maguluhan din sana kayo!!!
tulad ng dati,hindi ko padin alam ang katapusan ng istoryang ito..siguro,..walang matutulog, iidlip lang..nanakaw ng konting pahinga sa pagod na pagod nang isip at katawan, sa bugbog na bugbog nang pagkatao,pag-asa, panghihinayang,pagsusumamo,paghahanap,pagtatanong, pagkamangha sa buhay na sanay namatay na nga ng tuluyan..
Wednesday, December 5, 2007
Monday, November 26, 2007
BANGUNGOT!!!
Matapos kong masabi sa kanya,..sa nobelang ipinahayag, sa mga letrang pinaiksi upang maipadala sa papamagitan ng paraang ang tawag ay "text",marami na akong naisip gawin... daig ko pa ang naturukan ng kung anong gamot at high na high ako.
Simple lang naman mga bagay na gusto kong gawin, makasama siya, magkwentuhan,hawakan ang kamay niya na parang huli na yun,makasabay siyang maglakad,makatabi sa bus,tumawa,magdrama at mabaliw kasama niya.
Yung mayakap siya paminsan-minsan,mahalikan,makatabing matulog at pwede ding maglakbay sa langit na nakasakay sa ulap ng pananabik at pagkanais,isantabi ang inhibisyong matagal na nagrehas at bumulok sa pagkatao ko.
Nais kong magnakaw ng konting oras at atensyon nya,nagpupumiglas ang damdamin ko. Sasabog ako anu mang oras, malala ako!!! Sabi nya babatukan daw nya ako, at magpapabatok naman ako,..haha..baka sakaling matauhan..
Sabi niya MALI daw, sabi ko hayaan mo na,saglit lang naman eh, sangdaang araw lang ng pagkagago sa pag-ibig na minsan ko lang ilalaban at hindi ko pa kayang isuko sa ngayon.
Hindi nya alam kung gaano siya kahalaga sa ibang-iba ko nang buhay ngayon, kung gaano ko pinangarap na aalayan nya din ako ng kahit anong munting bagay na sadyang ginawa niya para lang sa akin,kung paano ko inisip ang mga segundong maya't maya ay pumapatay sa akin..
Kahit kailan hindi mali,walang mali sa kanya, gusto ko lang subukan niya, wala akong babaguhin,hindi ko susubukan..gusto ko lang magdagdag ng kulay sa dati nang matingkad niyang pagkatao. Kahit kailan di ako pwedeng maging palamuti sa kanya, simple lang ako..
Gusto kong pumayag siya,makulit ako,baliw talaga!!
Dalwang bagay lang,matapos ang sangdaang araw,..iiwan ko siyang masaya ako at magkaibigan parin kame habang buhay o hindi na niya ako iiwan dahil naging masaya siya.
Lagi kong maaalala na minsan ay nalunod ako sa isang panaginip na kalaunan ay naging bangungot..wala akong pagsisisihan,..hindi din siya magsisisi...
Kaibigan nya ako,mahal niya ako, kaibigan ko siya...mas mahal ko siya!! Hindi patas,pero ayos na..wala akong reklamo,walang inaasahan,..
Gusto ko din siyang bitiwan pagnatapos ang lahat,pero hindi pa ngayon,hindi pa!
Uubusin ko muna ang pagkagago,pagkabaliw at pagkaadik ko sa damdaming paminsan-minsan lang sumumpong sa abnormal kong puso.
Hindi ko alam kung san tutungo ang akdang ito,hindi ko din alam kung paano tatapusin,pero alam ko na mababasa niya 'to..
-"kung may pagkakataon para mamili,gusto ko paring ulitin ang lahat ng ito, mamamatay at mabubuhay ako,pero ikaw ang nag-iisang ingay na yayanig sa mundo ko,dito lang nagkakasaysay ang buhay ko."

Friday, July 27, 2007
Unang Walang Pamagat kong Komposisyon
"Dalawangpu't isang taon ng parang paulit-ulit na araw ng buhay ko, walang kwenta, walang kulay, walang bago."
Nawala ako, tumakbo na parang hindi na mapapagod, nagtago na parang hindi na mahahanap, naduwag na parang hindi na lalaban ulit, nang iwan na parang wala nang babalikan, umiyak ng mga luhang parang hindi na mauuubos, sumigaw sa boses na parang hindi na mapapaos, at hinanap ang sarili sa parang nawawalang AKO.
Nawala ako, sa mundo na parang sila lang ang nagpapatakbo, sa buhay na parang sila lang ang kumokontrol, sa hiningang parang sila lang ang nagbibigay, sa oras na parang sila lang ang nagpapatakbo, sa lugar na parang sila lang, at sa kanila na parang walang AKO.
Nawala ako, pakiramdam na parang nababaliw, emosyong parang laging sasabog, damdaming parang laging nagsusumamo, pusong parang laging kumikirot, dugong parang hindi na dadaloy, at manhid na sana'y parang AKO.
AKO, nawala sa direksyong dapat tahakin, nawala sa dapat na sabi nila'y kailanagn, nawala sa kailangan na idinidikta lang, nawala sa idinidikta na ipinipilit ng iba na dapat, at nawala sa iba upang mahanap ang AKO.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nagsusumbong sa dagat, kinakausap ang hangin, pumupukol sa kawalan, niyayakap ang alon, pinakikiramdaman ang buhangin, at kinakaibigan ang kalangitan.
Ayaw ko nang huminto sa pagtakbo, hindi muna ako lalaban, naduduwag ako! Ayaw ko nang magpakita at ayaw ko nang bumalik, gusto kong makalimot, gusto kong kalimutan! Iiyak at sisigaw na lang ako. Nawala ako,...at nawawala parin AKO.
PAHABOL...
( alay ko to sa tatlong tao na higit na nakakaunawa sa lahat ng mga nakasulat dito,... kay pasa, kay ben, at kay frind.. mahal ko kayo)

Friday, July 13, 2007
STOKWA
txt ni ben- GUS2 KO MAGLAYAS! Gus2ko lng lumayo...2 realized things,2reflect. Umiyak ng walang nakakarinig. Sumigaw hanggang sa mapaos.Hawakan ang buhay ko. Layas ha as is Stokwa, hndi bakasyon! Ung tipong di mo alam kung kelan ka babalik or kung my babalikan ka pa ba..
Tas lahat hinahanap ka... Nag aalala sayo. Di malaman kung buhay ka pa.. nasan ka. WEIRDO. Para kaseng nakakakulong ako sa apat na sulok ng mundo. Umiikot sa pera trabaho, puso,kompyuter,kaibigan, pamilya,bahay. Ano ba yung mahalaga?Gus2 ko malaman.San ba ako dapat magpunta? Sama ka ba? Habang gento palagi lalo ko lang nararamdaman kabobohan ko mga bagay na di dapat gnawa. Sana me beer, tulog na sana ako ngayun at di na iniisip ang mga kalokohang ito. Tulog na!
dapat na txt ko sa kanila- pwede nyung isipin na nang iwan ako at naging makasarili, pero ni hindi ko nga kayang gumawa ng kahit na anong hakbang sa ngayon maliban sa paghinto,i realized na masyado tayong naging matapang,lahat hinaharap natin,4 once gus2 ko lng maduwag,matakot, mag-isa, baka mahabol ko pa yung AKO, bago tuluyang mawala, d ko talaga alam gus2 ko,sarap umiyak, kapagod nga lang, afterwards maginhawa konti ung pakiramdam,yet nandun pa din, sabi ko nga gusto ko tumakbo,malayo at ayaw ko nang bumalik, looser? OO, matagal na, ds pass few days wat we had was only each other, at sabay2 taung nagpa2agos sa kung anu na lang mangyari, pareparehas tau, gus2 palayain yung sarili na sa tingin natin iba ung nagpapatakbo...
matagal na2ng saltik na problemang2, salamat ke ben nabuksan isip natin, wag ka alala frind, hndi ibigsabihin ng paghinto ko eh pagsuko, di ko lng kayang maging positive ngayon,lam kong gusto nating solusyunan2 ng samasama, pero ayaw kong maging pabigat sa inyo. kaya magpapaiwan muna ako...
mahal ko kau....

Wednesday, June 6, 2007
para sa kanya...
muntik ko nang makalimutan kung gaano kasaya pag kasama ka, malapit ko na rin sanang tinalikuran ang buhay na kasama ka, muntik na akong maglakbay na wala ka, malapit ko nang solohin ang lungkot at angkinin ang pag-iisa...
ang totoo,ayaw kitang makasama..ni ayaw kong makita ka o makarinig man lang ng kahit anu tungkol sayo, ang totoo,mas gusto kong mabuhay ng wala ka,ang maglakbay na di ka iniisip, ang angkinin ang mga bagay na pwedeng akin lang, wala ka...

Tuesday, May 22, 2007
Sa tabi nya...
Sa tabi nya malabong masaya malabong hindi...magkahalong damdamin na madalas pumapatay sa'kin,gusto ko sanang magreklamo pero alam ko na simula palang talo na. Ayoko namang umiyak...sawa na ako dun,palipasin ko nalang...sana ganun kadali...
Sa tabi nya gusto kong manatili pero gusto ko din umalis...nakakapagod, nakakasawa, pero buong pagkatao ko bumabalik sa kanya... Hindi pa malalalim, kaya umaasa ako na baka makawala pa ako sa rehas nya...nababaliw ako tuwing naiisip kong mahuhulog na nga ako ng tuluyan sa kanya.
Sa tabi nya sumasayaw yung puso ko,sa tunog na alam kong wala naman sa tiyempo...kaya kahit gaano kagulo...sumusunod padin ako...pero kahit dangkal lang ang pagitan namin...hindi nya ako nararamdaman...wala ako...
............kahit nasa tabi nya ako hindi nya ako nakikita...kasi, may tinititigan siyang iba...

Subscribe to:
Posts (Atom)