"Dalawangpu't isang taon ng parang paulit-ulit na araw ng buhay ko, walang kwenta, walang kulay, walang bago."
Nawala ako, tumakbo na parang hindi na mapapagod, nagtago na parang hindi na mahahanap, naduwag na parang hindi na lalaban ulit, nang iwan na parang wala nang babalikan, umiyak ng mga luhang parang hindi na mauuubos, sumigaw sa boses na parang hindi na mapapaos, at hinanap ang sarili sa parang nawawalang AKO.
Nawala ako, sa mundo na parang sila lang ang nagpapatakbo, sa buhay na parang sila lang ang kumokontrol, sa hiningang parang sila lang ang nagbibigay, sa oras na parang sila lang ang nagpapatakbo, sa lugar na parang sila lang, at sa kanila na parang walang AKO.
Nawala ako, pakiramdam na parang nababaliw, emosyong parang laging sasabog, damdaming parang laging nagsusumamo, pusong parang laging kumikirot, dugong parang hindi na dadaloy, at manhid na sana'y parang AKO.
AKO, nawala sa direksyong dapat tahakin, nawala sa dapat na sabi nila'y kailanagn, nawala sa kailangan na idinidikta lang, nawala sa idinidikta na ipinipilit ng iba na dapat, at nawala sa iba upang mahanap ang AKO.
Natagpuan ko na lang ang sarili kong nagsusumbong sa dagat, kinakausap ang hangin, pumupukol sa kawalan, niyayakap ang alon, pinakikiramdaman ang buhangin, at kinakaibigan ang kalangitan.
Ayaw ko nang huminto sa pagtakbo, hindi muna ako lalaban, naduduwag ako! Ayaw ko nang magpakita at ayaw ko nang bumalik, gusto kong makalimot, gusto kong kalimutan! Iiyak at sisigaw na lang ako. Nawala ako,...at nawawala parin AKO.
PAHABOL...
( alay ko to sa tatlong tao na higit na nakakaunawa sa lahat ng mga nakasulat dito,... kay pasa, kay ben, at kay frind.. mahal ko kayo)
Friday, July 27, 2007
Friday, July 13, 2007
STOKWA
txt ni ben- GUS2 KO MAGLAYAS! Gus2ko lng lumayo...2 realized things,2reflect. Umiyak ng walang nakakarinig. Sumigaw hanggang sa mapaos.Hawakan ang buhay ko. Layas ha as is Stokwa, hndi bakasyon! Ung tipong di mo alam kung kelan ka babalik or kung my babalikan ka pa ba..
Tas lahat hinahanap ka... Nag aalala sayo. Di malaman kung buhay ka pa.. nasan ka. WEIRDO. Para kaseng nakakakulong ako sa apat na sulok ng mundo. Umiikot sa pera trabaho, puso,kompyuter,kaibigan, pamilya,bahay. Ano ba yung mahalaga?Gus2 ko malaman.San ba ako dapat magpunta? Sama ka ba? Habang gento palagi lalo ko lang nararamdaman kabobohan ko mga bagay na di dapat gnawa. Sana me beer, tulog na sana ako ngayun at di na iniisip ang mga kalokohang ito. Tulog na!
dapat na txt ko sa kanila- pwede nyung isipin na nang iwan ako at naging makasarili, pero ni hindi ko nga kayang gumawa ng kahit na anong hakbang sa ngayon maliban sa paghinto,i realized na masyado tayong naging matapang,lahat hinaharap natin,4 once gus2 ko lng maduwag,matakot, mag-isa, baka mahabol ko pa yung AKO, bago tuluyang mawala, d ko talaga alam gus2 ko,sarap umiyak, kapagod nga lang, afterwards maginhawa konti ung pakiramdam,yet nandun pa din, sabi ko nga gusto ko tumakbo,malayo at ayaw ko nang bumalik, looser? OO, matagal na, ds pass few days wat we had was only each other, at sabay2 taung nagpa2agos sa kung anu na lang mangyari, pareparehas tau, gus2 palayain yung sarili na sa tingin natin iba ung nagpapatakbo...
matagal na2ng saltik na problemang2, salamat ke ben nabuksan isip natin, wag ka alala frind, hndi ibigsabihin ng paghinto ko eh pagsuko, di ko lng kayang maging positive ngayon,lam kong gusto nating solusyunan2 ng samasama, pero ayaw kong maging pabigat sa inyo. kaya magpapaiwan muna ako...
mahal ko kau....

Subscribe to:
Posts (Atom)