hindi ko mamimiss ang pagtulog sa tanghali at paggising sa gabi, ang gawing araw ang kadiliman at gawing gabi ang liwanag. hindi ko mamimiss ang pagbyahe sa halos magmamadaling araw na oras para lang hindi mahuli sa paulit-ulit na trabaho na halos naging buhay ko na. hindi ko mamimiss ang paghahabol ko sa lrt, ang pagsakay ko sa bus at madalas kong pagsakay sa taxi dahil sa pagkasanay sa tamad na gawi..(hehehe). hindi ko din mamimiss ang pagkain ng tanghalian sa madaling araw at pagmimidnight snack sa hapon. hindi ko mamimiss ang building at ang elevator na halos parang bahay ko na.
pero, marami din akong mamimiss, si asel. ang besfriend ko sa etel, si kuya joey, ang nag-iisang kuya ko,si seysey,munti kong malambing na kapatid,at lahat ng mga naging kaibigan ko sa bacchus..lalo na ang walang katulad kong
boss adam..
mamimiss at hahanaphanapin ko din si aj, ( my dear) taong laging nagpapatawa at kasabay ko sa mga kababawang joke sa mundo, si pam,ang mga inuman namin at ang paghatak namin palagi sa kanya ni aj na sumama sa Quiapo,(hahaha,buhay mo???) si magandang ate meng, ang napakasimpleng si jinky na may mahahabang pilik mata, si wiltz..ang utol kong astig..at ang lahat ng naging parte ng team na itinuring ko nang pangalawang pamilya..
mamimiss ko ang maraming tao na nakasama kong tumambay, magkwentuhan, uminom, mag-adik..(peace)!!! mag power nap,tumawa, sumigaw, umiyak.. magrebelde at magmahal...(asus!!! ang drama at ang corni lang)
marami akong hindi mamimiss, pero mas marami akong mamimiss... :-)
No comments:
Post a Comment