matagal-tagal na nung huling sumama yung pakiramdam ko!!! ang galing at sa wakas parang mesakit ako,sinisipon, inuubo,nilalagnat at hindi ako makausap ng matino dahil ang sungit ko, para kasing binibiyak ang ulo ko sa sakit at me parang kuryenteng padaan-daan sa kilay ko!! BADTRIP!!
ganun pa man, andito padin ako at magtatrabaho, sayang kasi, bukod sa minsan lang me 29 sa february,last day nadin ng work at rest day na...isa pa,mukha akong pera at ayokong mabawasan ang sahod ko...(pera na naman ang nasa isip kahit kakasweldo lang ngayon) hehehe!!!!
ni hindi ko ininda ang maglakad mula RCBC hanggang PBcom dahil sarado ang AYALA...mga lima hanggang 10 minuto lang naman akong naglakad at pangalawang beses na to dahil pangalawang ulit na din ang rally dito sa mebandang PASEO...(kung saan mismo ako bumababa)...pero parang wala nanam akong masyadong pakialam dahil tulog ako habang sumisigaw sila ng GLORIA RESIGN!!!
hahaha...anu nga ba talaga gusto kong ikwento???
Ahhhh... nga pala... basta nagkasakit ako!!! and I like it!
Friday, February 29, 2008
Thursday, February 28, 2008
labing limang minuto
labinglimang minuto bago ulit sumalang sa animoy sirang plankang paulit-ulit na trabaho ng buhay ko.,,naisipan ko munang dalawin ang lugar ng mga kaibigan ko kung saan din nila nilalabas ang mga saloobin nila,,,(hehehe,...hindi ako nag-iisa)
masayang basahin ang mga sulatin nilang naglalarawan sa magulo at makulay nilang buhay,nakakatuwang balikan ang mga larawang marami paring bakas ng nakaraan at kasalukuyan, at sobrang gaan sa pakiramdam dahil kasama ako sa buhay na yun, kasama ako sa nakaraan, kasalukuyan at alam kong pati sa hinaharap.
mahal ko sila sa paraang hindi kayang ipaliwanag, tulad din ng maraming bagay na mas nanaisin mo nalang na wag itanong, importante sila sa akin na parang hindi ko makita ang sarili ko sa mundong ito na wala sila,hindi ko sila kayang hindi mahalin.
nangingiti ako sa tuwing naiisip ko ang marami na naming pinagdaanan, kulang marahil ang isa ulit na ikot ng buhay para ikwento ang lahat,maraming masaya,malungkot, nakakatakot, nakakaiyak,pero mas marami yung nakakabaliw,marami pang darating..
mahal ko sila at hindi nayon mawawala...
hindi kame nag-aaway...(ang galing,parang mga abnormal..hahaha)pero kung sakaling mag-away kame,..wala pading magbabago,mamahalin lang namin ng husto ang isa'tisa.
--alay to sa mahal kong kinship..(lalo na kila BENET at FREND) love you guys!!!

Thursday, February 14, 2008
Guitar
expressions of my soul,actor of different roles
he's my way to know, the path I'll never go.
and with me, he continue and stay...
though I hurt him, day after day.
responds of my heart, healer of different pains,
he's my strum to hear, the music I'll never feel
and with me, he continue and play...
the songs, I'll forever can't pay.
ideas of my mind, observer of different faults,
he's my piece to have, the puzzle I'll never match.
and with me, he continue and wait...
though it might really be too late.
clues of my questions, answer to different prayers,
he's my life to hope, the one I'd first let go.
and with him, I'll continue and sing...
our song, while he's holding his big violin.
-grace-
dec.10, 2006 6:34 pm

Monday, February 11, 2008
nakalimutan ko...
may dapat sana akong isusulat na artikulo,.. isang bagay na ipinangako ko sa aking sarili, kaya lang wala naman akong pag-aalayan ng mga salita ko kaya siguro hindi ko matapos tapos at sa katunayan, nihindi ko pa nga siya nasisimukan.
nitong mga nakaraang buwan naging parang kakaiba ako.. pakiramdam na ngayon lang nangyari sa akin,maraming bagay na hindi ko mapaliwanag at sa palagay ko ay walang makakaintindi.
mula kagabi hanggang kaninang umaga kasama ko ang mga kaibigan ko,mula sa marami naging apat nalang kame,medyo maraming kameng nakain,nainom, napag-usapan, napagkwentuhan,pinagtawanan,banalikan at muling babalikan.
madalas parang hindi kame seryoso pero ang totoo mas seryoso pa kame sa inaakala ng marame, ang totoo importante ang bawat isa, lahat gusto naming pakinggan,gusto naming magsalita, magbahagi ng munting bagay na importante sa iba, lahat mahalaga, lahat kabilang.
may isang taong hindi maipaliwanag, ang gulo..pati ako magulo at patuloy na naguguluhan, kaya hanggang ngayon naiisip ko..kaya ito biglang napasulat ako, yung simpleng presensya niya ang nagpapangiti sa akin, sa isang di maipaliwanag na dahilan, sa isang walang rasong bagay, sa isang malalim na katanungan na mahirap hanapan ng kasagutan, sa isang damdaming hindi kayang ipaliwanag ng isang araw o isang taon mang pagtuklas.
marahil may mga mata siyang kumakausap sa puso ko, may mga ngiting bumubuhay saking dugo, may boses na lumalakbay sa isip ko, may pagkataong gumigising sa parang patay kong mundo at may isang tulad niya sa bakanteng bahagi ng walang mapaglugarang buhay ko.
mahirap ipaliwanag, hindi ko din maintindihan, ayoko ng maling pag-asa, ayaw kong makasakit at lalong sawa na akong masaktan,.. sa lahat ng taong karapatdapat na maging masaya, siya un,,walang iba..takot akong lumaban sa isang laban na hindi ako tiyak kung akin pa,marami nang nangyari, marami nang nag-iba, pero siguro,.. marami pang mangyayari at marami pang mag-iiba..
susulat pa siguro ako, sa ngayon, ito palang ang naiisip at nararamdaman ko,..
bukas siguro ulit,...

Friday, February 8, 2008
hanggang sa madaling araw
hanggang sa madaling araw...
mula nung huli naming pagkikita, hindi pa ata siya nawala sa isip ko,pangalawang sulatin na ito na ayoko mang gawin ay napipilitan ako, ewan ba kung bakit at parang kusang gumagalaw ang daliri ko at ito, sunud-sunod na naman ang mga salitang nailalagay ko.
siguro dahil ito lang ang paraan ko palagi ng pagpapahayag, sa ganito lang napapayapa ang pagkatao ko, sa ganito lang ako nagiging maayos kahit papaano, at ito lang ang alam ko.
patay ako sa umaga dahil pang gabi ang trabaho ko,nabubuhay lang ako pag alam kong mahuhuli nako at kailangan nang magmadali,hay...
paulit-ulit...paulit-ulit, bumabalik nang bumabalik yung muka nya sa isip ko, paulit-ulit...paulit-ulit,naririnig ko ang boses niyang parang hindi ko naman marinig, at paulit-ulit at parang ayaw akong tigilan ng maraming tanung sa isip ko na ayaw ko namang hanapan ng kasagutan.
minuminuto ay minumulto ako ng maraming bagay tungkol sa kanya, minsan nangingiti na lang ako sa kadahilanang hindi ko alam at marahil hindi niya din alam,.. minuminuto ay binabagabag ako ng maraming bagay tungkol sa akin, minsan nalulungkot ako sa kadahilanang hindi ko alam at marahil walang may alam.
gusto kong kunsintihin ang sarili ko tulad ng lagi kong ginagawa, kaya lang... hindi ata tama, wala atang lugar para magsimula dahil wala rin daan para lumabas.
ang gusto ko ngayon ay ang mapakinggan siya, kung ano ang masasabi nya sa mga kadaldalan kong halatang-halata sa mga artikulong tulad nito, ang gusto ko ay maging masaya ako at maging makasarili kahit saglit lang, ang gusto ko ay maging masama at maging iba sa pangkaraniwang ako,pero higit sa lahat,.. ang gusto ko ay maging masaya siya.
siguro, maiisip ko padin siya, at iisipan ng iisipin hanggang sa sumabog ang isip ko pero walang mangyayari kundi isipin padin siya,ang totoo, ayokong tigilan ang sarili ko sa pag-iisip sa kanya,bakit? malay ko? ewan?

Subscribe to:
Posts (Atom)