hanggang sa madaling araw...
mula nung huli naming pagkikita, hindi pa ata siya nawala sa isip ko,pangalawang sulatin na ito na ayoko mang gawin ay napipilitan ako, ewan ba kung bakit at parang kusang gumagalaw ang daliri ko at ito, sunud-sunod na naman ang mga salitang nailalagay ko.
siguro dahil ito lang ang paraan ko palagi ng pagpapahayag, sa ganito lang napapayapa ang pagkatao ko, sa ganito lang ako nagiging maayos kahit papaano, at ito lang ang alam ko.
patay ako sa umaga dahil pang gabi ang trabaho ko,nabubuhay lang ako pag alam kong mahuhuli nako at kailangan nang magmadali,hay...
paulit-ulit...paulit-ulit, bumabalik nang bumabalik yung muka nya sa isip ko, paulit-ulit...paulit-ulit,naririnig ko ang boses niyang parang hindi ko naman marinig, at paulit-ulit at parang ayaw akong tigilan ng maraming tanung sa isip ko na ayaw ko namang hanapan ng kasagutan.
minuminuto ay minumulto ako ng maraming bagay tungkol sa kanya, minsan nangingiti na lang ako sa kadahilanang hindi ko alam at marahil hindi niya din alam,.. minuminuto ay binabagabag ako ng maraming bagay tungkol sa akin, minsan nalulungkot ako sa kadahilanang hindi ko alam at marahil walang may alam.
gusto kong kunsintihin ang sarili ko tulad ng lagi kong ginagawa, kaya lang... hindi ata tama, wala atang lugar para magsimula dahil wala rin daan para lumabas.
ang gusto ko ngayon ay ang mapakinggan siya, kung ano ang masasabi nya sa mga kadaldalan kong halatang-halata sa mga artikulong tulad nito, ang gusto ko ay maging masaya ako at maging makasarili kahit saglit lang, ang gusto ko ay maging masama at maging iba sa pangkaraniwang ako,pero higit sa lahat,.. ang gusto ko ay maging masaya siya.
siguro, maiisip ko padin siya, at iisipan ng iisipin hanggang sa sumabog ang isip ko pero walang mangyayari kundi isipin padin siya,ang totoo, ayokong tigilan ang sarili ko sa pag-iisip sa kanya,bakit? malay ko? ewan?
No comments:
Post a Comment