Monday, February 11, 2008

nakalimutan ko...

may dapat sana akong isusulat na artikulo,.. isang bagay na ipinangako ko sa aking sarili, kaya lang wala naman akong pag-aalayan ng mga salita ko kaya siguro hindi ko matapos tapos at sa katunayan, nihindi ko pa nga siya nasisimukan.

nitong mga nakaraang buwan naging parang kakaiba ako.. pakiramdam na ngayon lang nangyari sa akin,maraming bagay na hindi ko mapaliwanag at sa palagay ko ay walang makakaintindi.

mula kagabi hanggang kaninang umaga kasama ko ang mga kaibigan ko,mula sa marami naging apat nalang kame,medyo maraming kameng nakain,nainom, napag-usapan, napagkwentuhan,pinagtawanan,banalikan at muling babalikan.

madalas parang hindi kame seryoso pero ang totoo mas seryoso pa kame sa inaakala ng marame, ang totoo importante ang bawat isa, lahat gusto naming pakinggan,gusto naming magsalita, magbahagi ng munting bagay na importante sa iba, lahat mahalaga, lahat kabilang.

may isang taong hindi maipaliwanag, ang gulo..pati ako magulo at patuloy na naguguluhan, kaya hanggang ngayon naiisip ko..kaya ito biglang napasulat ako, yung simpleng presensya niya ang nagpapangiti sa akin, sa isang di maipaliwanag na dahilan, sa isang walang rasong bagay, sa isang malalim na katanungan na mahirap hanapan ng kasagutan, sa isang damdaming hindi kayang ipaliwanag ng isang araw o isang taon mang pagtuklas.

marahil may mga mata siyang kumakausap sa puso ko, may mga ngiting bumubuhay saking dugo, may boses na lumalakbay sa isip ko, may pagkataong gumigising sa parang patay kong mundo at may isang tulad niya sa bakanteng bahagi ng walang mapaglugarang buhay ko.

mahirap ipaliwanag, hindi ko din maintindihan, ayoko ng maling pag-asa, ayaw kong makasakit at lalong sawa na akong masaktan,.. sa lahat ng taong karapatdapat na maging masaya, siya un,,walang iba..takot akong lumaban sa isang laban na hindi ako tiyak kung akin pa,marami nang nangyari, marami nang nag-iba, pero siguro,.. marami pang mangyayari at marami pang mag-iiba..

susulat pa siguro ako, sa ngayon, ito palang ang naiisip at nararamdaman ko,..

bukas siguro ulit,...

No comments:

Post a Comment