Thursday, December 2, 2010
My Figure of Speech (LOVE)
And only to find out that the hypocritical idea of you, violates the rules I made and my intent. Still,.. made you to stand out from the many every ones like, you are the personification in my unreal and interim life. And I know that an excess is what you mostly possess, your every piece is what I always want to persist.. you are too far, so good, too hard, so difficult, too ironic, so hectic, too messy, so complex, too lawless, so complicated. Many you brings hyperbole in one me.
The description and the misrule, my tongue will speak only your language, my mind will just think of your sense and my heart will roam only with your composition. Hopeless they maybe, nowhere you might be, clueless others can be, but being lonesome I will never be. An endless journey and a long wait are what it takes to bring me to you. Boredom is not in my vocabulary but the meaning is part of my dictionary.
I'll just linger for few thousand scenes spend with you, haunt for chances to finally see you, and pray for an instance to atleast sit beside you. And though being hopelessly romantic kills me most of the time, I would rather die than to stop believing. One day, someday, soon, might be day after tomorrow, maybe next time, can be after whatever's next,.. our road, yours and mine,.. will converge. And for the very first time we'll converse, an unknown dialect of intensity and warmth. And we'll made to discover that you are my figure and I am your speech, with desire and freedom, onset until sunset.
-inspired and dedicated to my friends.. in pain and in hopeless space, wish you still fight and believe that aside from change,.. " LOVE is inevitable and constant in this world."
Monday, September 20, 2010
23 THINGS I HATE about YOU
1. You damn dance really well, I dont.
2. You like RnB music, not so much of my genre.
3. You love pokemon! I cant relate to their evolution.
4. You love DVDs',well everybody does,but movie marathon would really make your day.
( aside from the computer games that youre also fond of )
5. You love shopping, I do too, but not as much as you do.
6. You collect FHMs' -- and you dont want any scratch or any fold on any page- duh!!
7. You speak good english, I bet you do! MENTOR!!! hehehe.. congratssss!!!
8. You cooked carbonara, I never like pasta.
9. You cooked bicol express, binagoongan, scrambled egg and vienna sausages.
--- WAY SPECIAL - ( im just envious of your cooking )
10. You cooked fried chicken, with a bit of sour and saltiness,
( I just cant imitate the way you cook it! )
11. You crave for a special chinese cup noodles that costs 100 plus???
--- extra hot pancit canton for me please!!!! hahaha...
12. You love curry... I dont like it.- coconut milk would be fine.
13. You love black chocolates - I'm not fond of sweets..(pretzels is an exception) uyy!!!
14. You love mangosteen, i never knew theres that kind of fruit existing.
Very expensive in pinas, only 20 baht per kilo here. :)
15. You eat sandwiches with piatos or other chips as filling -- weird for me!
16. You are a certified Health concious!-- best example would be your fruit shakes..
--- mixes of banana, pineapple, and whatever! well thats good for you!
( i heard what happened the last time that you had your high blood)
--- take extra care of yourself!! Drink extra fruit shakes.. hahaha..
17. You go to Quiapo, mostly every saturday, and now I'm missing Nasareno days.
18. You look forward on eating lumpiang sariwa with sarsi soda after church.
19. You love PARES in sampaloc, the best pares in the world for you.
20. You love adobosilog and barbeque, hayzzzz dont forget palabok! you introduced all this food, I cant help but want to have a taste of them again.
21. You love your Family so much- ( this is not part of the things I hate about you)
22. You have a lot of friends, ----- me too...!!! hehehe.. (as I said, better know who are real and who are not)
23 To sum it up! I hate you!, because I'm missing everything that i hate about you and
I'm missing your 23rd birthday..
Happy Birthday DEAR... Have a wonderful Life!
Wednesday, September 8, 2010
Si Isoy at ang mga Pangarap ko
Dise-otso ako nung una kong makilala si Isoy, yun din ata ang edad ko nung nagsimulang luminaw yung mga gusto ko, di ko nadin sigurado kasi matagal nayun, anim na taon?! Noong una, nalilibang lang ako, hanggang parang nasobrahan at hinahanap-hanap ko na, tulad ng mga gusto ko, laru-laro lang, tas trip ko nang seryosohin.
Kasama ko si Isoy noong nagtapos ako sa kolehiyo, may narating na daw ako kasi tapos na ang mga araw ng pag-aaral, pero yung mga pangarap ko, wala pading nararating, hawak ko palang.
Swerte ata talaga, kasi nakahanap agad ako ng trabaho, pero yung pangarap, iniwan na 'ko. Nakuntento na ko sa buhay, walang masyadong gusot, normal lang kungbaga. Palasak kong dahilan, "bata pa ako, nag-eenjoy pa ako sa kabataan ko". Natutulungan ko naman kahit papaano ang pamilya ko sa mga gastusin, nagbabayad ako ng tuition ng kapatid ko, madame akong barkada, gimik, gala, inuman session, out of town trips, overnight sleeps, konting tulog, dameng gising!!! Pero hindi ako nag-adik, kahit lagi kong naiisip, di ko sinubakan, kung bakit??? walang dahilan,!wag nang magtanung!!
Nabasura na yung pangarap ko, si Isoy naging matalik kong kaibigan, bukod sa madame ko pang kaibigan. Masaya naman, masaya yata!? masaya kaya talaga???
Ayun,.. nagkaproblema na ko,.. naghanap kasi ako ng depinisyon ng salitang SAYA eh, nagtanung ako sa lahat, di din nila alam ang sagot, kung mayroon mang nakapagbigay ng konsepto ng SAYA, malabo naman, o baka hindi ko lang naintindihan at hindi ko inintindi. Tulad ng buhay ko noon na palabo nang palabo at hindi ko na maintindihan. Dameng nang nangyare, dameng realization na naganap.
Sabihin nalang nateng, madame akong naramdaman, halo-halong kalamay ng emosyon, tuwa't lungkot, takot, tapang, tagumpay, pagkabigo, pag-asa, pagkadismaya, pag-iisa at isang kakaibang pag-ibig daw. Nagresulta ng tuluyang paglayo ko sa mga pangarap na parang guni-guni nalang, paglimot sa sarii na animo'y di ko na kilala at nakasama ng dalawampu't apat na taon, si Isoy di padin bumibitiw sa akin.
Madame namang nagmamahal saken, pamilya ko at tunay na mga kaibigan... pero inabanduna na ako ng mga emosyong nabuo ko sa mahirap isepleka kong buhay.
Hanggang isang umaga,... nagising nalang ako sa parang matagal na bangungot, tinulak ako ng sarili ko, nauntog, natauhan, nabanlawan, nahimasmasan, nawalan ng hang-over, lahat nang pwedeng termino, isipin nyu!! basta, bumalik sa katinuan.
Naisip ko, wala namang mangyayari kung magbababad lang ako sa mga nangyari na, at magmumukmok sa sulok at magsisisi. Wala din namang mababago kung maglulungkot-lungkutan ako at magdadrama, wala pa namang ginagawang award para sa TANGA!! Sayang lang ang panahon ko...madame pa pwedeng magbago kasi gusto ko na baguhin.
Kaya yun... isinama ko si Isoy at umalis ako, para hanapin ang pangarap ko.
At eto, sama-sama kameng nagsisimula...
To be continue...
Friday, September 3, 2010
Kasalanan ng ULAN
Ayan at umaambon na nga, malamig ang hangin, lalo ko tuloy nararamdaman na nag-iisa lang ako, malayo sa pamilya, malayo sa mga kaibigan, malayo sa mundong kilala ko at kilala din ako. Dito kasi, lahat estranghero sa akin, yung pagkain na pangunahing sangkap ay sili, kamusta naman ang almuranas ng mga tao dito di ba? Yung paraan ng pagsulat nila na ang sabe ng mga pinoy ay parang bulate, hindi nila kilala ang alpabeto kaya kapag ituturo mo na sa kanila, mga nakatanga lang sayo. Yung mga sign sa kalye, maliligaw ka talaga kasi magkakahawig ang mga lugar dito. Yung mga bus nila, denumero, kaya kung hindi mu alam kung saan dadaan ang mga bus na'to goodluck talaga sayo!
Lalo lumalakas ang ulan, kaya eto at pumasok na ako sa loob dahil naaanggihan na ako, wala na tuloy akong matanaw, naririnig ko nalang ang malakas na ulan, yung tunog na parang katulad din kung paanu umuulan sa pinas, hayzzzzzzzzz.... nakakamiss ang lahat, nakakamiss!
Iniisip ko nalang, mabilis lang ang panahon at baka hindi ko na mamalayan na pauwe na ako sa tahanan namen, mabilis lang ang oras, dapat hindi ako mainip, dapat hindi kame maghabulan. Baka bukas makalawa masanay nadin akong nag-iisa at baka magustuhan ko din, yung pakiramdam na malaya at walang ume-epal sa buhay ko, yung tipong pwede kong gawin ang lahat at wala nang hinihingan ng permiso, yung pwede kong puntahan ang bawat sulok ng kahit saan at walang pipigil sa akin. Pero syempre, sa gilid ng isip ko at sa gitna ng puso ko, alam ko na mas ok parin ang pakiramdam na may mga taong nag-aalala at nag-iisip kung maayos ba ang kalagayan ko. Yung tipong nalulungkot kasi hindi ka nila kasama, yung gagawin kahit imposible malaman lang na ok ako, hmmm.....
Nagdadrama lang talaga ako sa gabing ito, wala kasi akong makausap, wala pa namang net dito sa apartment, kaya maipopost ko palang 'tong artikulong 'to kapag nakasagap na ako ng wifi. Sinasabayan pa kasi ako ng ulan eh, kaya kung anu-ano tuloy nasususlat ko, kasalanan talaga 'to ng ulan.
Nagdadrama lang talaga ako sa gabing ito... ayaw kong magsinungaling sa sarili ko, kaya sasabihin kong,... nalulungkot talaga ako....
Sept 2, 2010
10:31 pm Bangkok Standard Time
Monday, August 23, 2010
ginawan kita ng tula
Kalimutan mo ang mukha kong nakatawa at naghihintay ng ngiti mo,
Kalimutan mo ang hawak ko, ang mga haplos at lambing ko,
Kalimutan mo ang mga kanta at sayaw ng buhay ko.
Ibaon mo sa limot ang mga alala ko, mga araw na ikaw ang kasama palagi.
Ibaon mo sa limot ang mga kwentuhan naten, masaya,malungkot,matindi,
Ibaon mo sa limot ang mga nasabe ko, nakasakit o hindi,
Ibaon mo sa limot ang mga sinabi mo, nasaktan man ako o hindi.
Wag na wag mong banggitin ang pangalan ko, kahit ang bansag mo,
Wag na wag mong puntahan ang mga lugar ko, sulok o dulo,
Wag na wag mong kunin mga mumunting ideya, sa akin o sa iyo,
Wag na wag mong hanapin ang anino’t amoy ko, malayo…
Magpatuloy ka na parang hindi ako naging bahagi nito,
Magpatuloy ka na parang hindi mo ako nakilala sa kung paano,
Magpatuloy ka na parang walang hindi nagbago,… higit sa lahat…
Magpatuloy ka at wag mong sundin ang lahat ng sinulat ko, kasi MALULUNGKOT AKO.
Thursday, August 12, 2010
para sa inyo
Katulad ako ng lahat, iniiwan ka’t sinasaktan,
Katulad ako ng iba,paasa palagi, walang isang salita,
Katulad ako ng hindi dating nasa isip mo, baka walang pagbabago.
Kapares ako ng hangin, paparoon paparito,
Kapares ako ng dagat, malalim at papalayo,
Kapares ako ng mundo, malawak at malayo,
Kapares ako ng kahit na ano, at ng parang kahit sino.
Kahalintulad ako ng pangarap, matagal at mahirap,
Kahalintulad ako ng panaginip, iba-iba at mahiwaga,
Kahalintulad ako ng lungkot at pag-iisa, nakakatakot,
Kahalintulad ako ng ligaya, nagtatago sa wala.
Kawangis ko ang pag-asa, ng paghihintay mo sa pagbabalik,
Kawangis ko ang pananabik ng muling yakap mo at halik,
Kawangis ko ang liwanag ng pagkakaibigang sa iyo natagpuan,
Kawangis ko ang pagmamahal, ng hindi paglimot sa dinaanan at ng pupuntahan.
Sunday, May 30, 2010
ilan?!!
panaginip na pinaglaruan lang ng lahat ng kasali sa akdang di
yata maisusulat kahit kailan...
ilang mga emotion nalang ang pwedeng ibahagi at lahat ng iba
pang emotion ay mababaon nalang sa lupa at tatangayin ng panahon.
ilang mga pangarap ang matatapos at ang ibang darating na pangarap ay
dapat simulan na.
ilang panahon nadin ang nakalipas at animo'y nakulong lang ako sa lugar
na hindi ko kailan man gustong labasan, hanggang isang araw na ang panahon
at pagkakataon nadin mismo ang nagtutulak sa akin upang humakbang papalabas..
masyadong madameng nangyari, madameng bagay na pwede kong baunin, pero mas
madameng bagay na dapat ibaon nalang sa limot..
madalas, tinatanong ko parin yung sarili ko kung kaya ko nga bang lumimot,
kung kaya ko bang baguhin yung mga bagay na nakasanayan ko nang gawin?
kung kaya kong iwan yung mga bagay at mga taong naging parte at malaking
impluwensya kung anu at kung nasaan ako ngayon...
ilang mga bagay nalang ang bibilangin, siguro,... may mga ngiting mapapawi
pansamantala, may mga matang mababasa ng luha, may bahay na tatahimik bigla,
may pagbabago sa gampanin ng iba, may bisitang baka matagalan ang pagbalik,
may ilang taong aalis, at may matatapos na sa wakas...
at sa katapusan, magiging masaya din ang lahat...
Wednesday, January 13, 2010
Malas mo...
Nakakapraning kasi yung mundo eh..ewan ko ba at kung bakit hindi ako normal!??
Noong bata naman ako, ang natatandaan ko maayos ang lahat, nakakakita ako ng tama, alam ko yung kaibahan ng kulay ng pula at berde.. Pero nagbago ang lahat nang isang araw na gumusing nalang ako na ang halos lahat ng sinasamahan ko mas babae pa kumilos kesa sakin...
OO,sila na nga! mga bakla ko sa buhay,,masaya, nakakatuwa, kasi ibang dimensyon, malalaim kesa sa inaakala, pero higit sa lahat kakaibang magmahal..
Nalintikan na ako!!!
Kaya ayon,.. nabiktima ako ng sarili kong lason, nahulog ako sa sarili kong bitag, natulala sa kawalan at naghihintay sa walang hanggan..
Siguro, mag-iisang taon nadin akong nagpapakagago sa pag-ibig na ako lang ang may likha, balde-baldeng luha at sipon nadin ang napundar ko, milya-milyang layo nadin ang natakbo ko pero hanggang ngayon hindi padin ako nakakarating,.. ay mali.. siya pala yung hindi makakarating..kasi naman eh.. kahit laklakin ko lahat ng alak, ibuga lahat ng usok, wala na ata talagang sagot sa tanong ko.. HIMALA nalang!!
Nakakalungkot,(syempre naman)! pero higit sa lahat, nakakahinayang.. kasi tama yung panahon eh, tama yung pagkakataon, tama yung buhay ko.. ( noong mga panahong yun), tama yung halos lahat sa akin... MALI lang yung taong minahal ko, kasi ibang klase ng tao yung mga gusto nya..
-OO nainlove ako...
Monday, January 11, 2010
ngiti
A line from a song that has been the national anthem of our crazy barkadahan, a.k.a .
“ DI PAPAKABOG Family” hehehe… Sounds funny but actually painful, just like the song, it may sound perky and lively, but the meaning states bitterness and heartache..OUCH!!!
Started from nothing to everything…from nowhere to everywhere…from no one to YOU…
Like a roller coaster ride that brings me excitement and joy, fear and mystery, hope and faith..,
and at the end of every ride I still shout for MORE??!!! Shout for more of YOU and less of ME, more INTIMACY and less ATTACHMENT, more ANSWERS less QUESTIONS…
Asking if it’s better to stay or just let go.. Wanting to hold on to the little reason why I’m here, makes me feel happy, makes me feel alone and pathetic, makes me feel all the different emotions this big world can bring.. This world that roams around you, ME that roams around you, and YOU that roams in a different world…
At the end,.. I still couldn’t figure out the real meaning of the line…
Is it me who don’t wanna see your smile?? Or is it you who don’t wanna see me smiling???
binuhos
yung lamig ng pakiramdam,yung hagod ng init...
yung apoy sa pinakaloob na ayaw mawala,
yung sakit na sana sa iba mapunta.
nainggit ako...
bakit hindi ako??? bakit siya lang???
bakit ang tagal??? bakit ang layo???
bakit ang dameng bakit??? bakit walang katapusan???
natawa ako...
parang nababaliw,parang wala sa sarili...
parang walang paliwanag,parang hindi totoo,
parang ang labo,parang halo-halo.
naiyak ako..
nakita ko yung ako,nakita ko yung kame...
narinig ko yung tunay,napatunayan ko yung akala ko,
naliwanagan sa maraming matagal na.
nagalit ako..
yung madalas na pinapakita ko..
yung akala ng lahat na ako,
yung pekeng emosyon para matago yung takot sa maraming bagay.
huminto ako...
napagod sa kakaisip,naubusan ng itatawa, natuyuan ng luha,
napagod sa paglaban,naduwag sa laban...
namulat sa realidad...nakita yung liwanag..
sa alak ko binuhos yung lahat...
yung tapang na mahirap mahanap,yung kaduwagang tinatago...
yung mga salitang ang hirap bitawan, yung mga taong nang-iwan..
yung mga pagmamahal na inalay,sinayang at hanggang ngayon ay hanahanap...
---para ito sa mga taong kasama kong nag-alay at nagbuhos sa alak...
para sa mga nagmahal,at minamahal na hinihintay...
sa SULOK
Sa sulok ng isip ko nagtatago SIYA,tahimik,payapa.. Kung kelan pa siya dun?? Di ko matandaan, di ko namalayan, dun na siya nananahan… Naiinis ako, kasi pinapaalis ko na siya pero sumisiksik padin siya, para siyang tukso, ayaw mo na, alam kong di KAMI pwede pero ayaw niyang mawala.
Mawawala na ako, yun sana ang gusto ko. Pero hindi ko siya kayang iwan, ay MALI,.. hindi ko pala gusto siyang iwan.Hindi ko na alam kung saan pa pwedeng magtago para di kami magtagpo..,
Magtagpo???!!! Mas malabo… wala siyang alam, minsan, gusto kong ipaaalam, kaso lang, mawawala kami pareho, baka wala nang dating kami na makikita,..mas gusto ko pang ilihim ng matagal, matagal… HABANGBUHAY… hanggat kaya ko..paulit-ulit. ..Nakakaburaot!! ako na naman ulit…
ULIT… naulit lang, sakit ko nato, matagal na akong malala, at alam ko na ang katapusan ng kwentong ito,..nakita ko nato ng dalawang beses at makikita ko ulit sa pangatlo,.. at malamang sa malamang eh walang masyadong pagkakaiba.. AKO yung TALO sa simula…sa GITNA…at sa huli umaasang mananalo pero ganon padin,…HINDI pwede,kasi nga…TALO na..ASA ??!!
ASA…hanggang ganto lang naman ako eh…kahit wala ako, mabubuhay siya, hindi mahahalatang wala ako,hindi masyadong mahalaga., at ang totoo,…ako… AKO ang nasa SULOK..hindi SIYA.
-…. “Ung mga taong nakakaalam ng lihim na pagmamahal, ang siya lamang nakakaramdam ng lihim na kaligayahan”…