Medyo weird na ikumpara si Isoy sa pangarap, eh anu naman?!, weird naman talaga ako, tulad ni Isoy at ng mga pangarap ko, mahirap basahin, wala naman kasi masyadong nakasulat, mahirap hulaan kahit may bolang kristal ka pa. madalas tinatangay lang ng hangin, kasi dun talaga yung destinasyon nya, pero atleast nahahawakan ko muna.
Dise-otso ako nung una kong makilala si Isoy, yun din ata ang edad ko nung nagsimulang luminaw yung mga gusto ko, di ko nadin sigurado kasi matagal nayun, anim na taon?! Noong una, nalilibang lang ako, hanggang parang nasobrahan at hinahanap-hanap ko na, tulad ng mga gusto ko, laru-laro lang, tas trip ko nang seryosohin.
Kasama ko si Isoy noong nagtapos ako sa kolehiyo, may narating na daw ako kasi tapos na ang mga araw ng pag-aaral, pero yung mga pangarap ko, wala pading nararating, hawak ko palang.
Swerte ata talaga, kasi nakahanap agad ako ng trabaho, pero yung pangarap, iniwan na 'ko. Nakuntento na ko sa buhay, walang masyadong gusot, normal lang kungbaga. Palasak kong dahilan, "bata pa ako, nag-eenjoy pa ako sa kabataan ko". Natutulungan ko naman kahit papaano ang pamilya ko sa mga gastusin, nagbabayad ako ng tuition ng kapatid ko, madame akong barkada, gimik, gala, inuman session, out of town trips, overnight sleeps, konting tulog, dameng gising!!! Pero hindi ako nag-adik, kahit lagi kong naiisip, di ko sinubakan, kung bakit??? walang dahilan,!wag nang magtanung!!
Nabasura na yung pangarap ko, si Isoy naging matalik kong kaibigan, bukod sa madame ko pang kaibigan. Masaya naman, masaya yata!? masaya kaya talaga???
Ayun,.. nagkaproblema na ko,.. naghanap kasi ako ng depinisyon ng salitang SAYA eh, nagtanung ako sa lahat, di din nila alam ang sagot, kung mayroon mang nakapagbigay ng konsepto ng SAYA, malabo naman, o baka hindi ko lang naintindihan at hindi ko inintindi. Tulad ng buhay ko noon na palabo nang palabo at hindi ko na maintindihan. Dameng nang nangyare, dameng realization na naganap.
Sabihin nalang nateng, madame akong naramdaman, halo-halong kalamay ng emosyon, tuwa't lungkot, takot, tapang, tagumpay, pagkabigo, pag-asa, pagkadismaya, pag-iisa at isang kakaibang pag-ibig daw. Nagresulta ng tuluyang paglayo ko sa mga pangarap na parang guni-guni nalang, paglimot sa sarii na animo'y di ko na kilala at nakasama ng dalawampu't apat na taon, si Isoy di padin bumibitiw sa akin.
Madame namang nagmamahal saken, pamilya ko at tunay na mga kaibigan... pero inabanduna na ako ng mga emosyong nabuo ko sa mahirap isepleka kong buhay.
Hanggang isang umaga,... nagising nalang ako sa parang matagal na bangungot, tinulak ako ng sarili ko, nauntog, natauhan, nabanlawan, nahimasmasan, nawalan ng hang-over, lahat nang pwedeng termino, isipin nyu!! basta, bumalik sa katinuan.
Naisip ko, wala namang mangyayari kung magbababad lang ako sa mga nangyari na, at magmumukmok sa sulok at magsisisi. Wala din namang mababago kung maglulungkot-lungkutan ako at magdadrama, wala pa namang ginagawang award para sa TANGA!! Sayang lang ang panahon ko...madame pa pwedeng magbago kasi gusto ko na baguhin.
Kaya yun... isinama ko si Isoy at umalis ako, para hanapin ang pangarap ko.
At eto, sama-sama kameng nagsisimula...
To be continue...
No comments:
Post a Comment