Siguro uulan? mapula kasi ang langit, ganun daw kasi ang kulay ng langit pag gabi at kapag nagbabadya ang ulan. Ayun kasi ang nanatanaw ko ngayon, bukod sa mga ingay ng sasakyan sa baba. Nag-iisa ako sa bayan ng mga dayuhang ni hindi ko maintindihan ang sinasabe at hindi din ako maintindihan, pinipilit kong lakasan ang loob ko, nagtatapang tapangan na naman ako. Merun pa ba akong ibang pwedeng gawin? Kung iiyak ako, maaawa lang ako sa sarili ko, kung magmumukmok ako, baka mabaliw naman ako, ang jologs namang umuwe ng pinas na may saltik sa utak! Hehe..
Ayan at umaambon na nga, malamig ang hangin, lalo ko tuloy nararamdaman na nag-iisa lang ako, malayo sa pamilya, malayo sa mga kaibigan, malayo sa mundong kilala ko at kilala din ako. Dito kasi, lahat estranghero sa akin, yung pagkain na pangunahing sangkap ay sili, kamusta naman ang almuranas ng mga tao dito di ba? Yung paraan ng pagsulat nila na ang sabe ng mga pinoy ay parang bulate, hindi nila kilala ang alpabeto kaya kapag ituturo mo na sa kanila, mga nakatanga lang sayo. Yung mga sign sa kalye, maliligaw ka talaga kasi magkakahawig ang mga lugar dito. Yung mga bus nila, denumero, kaya kung hindi mu alam kung saan dadaan ang mga bus na'to goodluck talaga sayo!
Lalo lumalakas ang ulan, kaya eto at pumasok na ako sa loob dahil naaanggihan na ako, wala na tuloy akong matanaw, naririnig ko nalang ang malakas na ulan, yung tunog na parang katulad din kung paanu umuulan sa pinas, hayzzzzzzzzz.... nakakamiss ang lahat, nakakamiss!
Iniisip ko nalang, mabilis lang ang panahon at baka hindi ko na mamalayan na pauwe na ako sa tahanan namen, mabilis lang ang oras, dapat hindi ako mainip, dapat hindi kame maghabulan. Baka bukas makalawa masanay nadin akong nag-iisa at baka magustuhan ko din, yung pakiramdam na malaya at walang ume-epal sa buhay ko, yung tipong pwede kong gawin ang lahat at wala nang hinihingan ng permiso, yung pwede kong puntahan ang bawat sulok ng kahit saan at walang pipigil sa akin. Pero syempre, sa gilid ng isip ko at sa gitna ng puso ko, alam ko na mas ok parin ang pakiramdam na may mga taong nag-aalala at nag-iisip kung maayos ba ang kalagayan ko. Yung tipong nalulungkot kasi hindi ka nila kasama, yung gagawin kahit imposible malaman lang na ok ako, hmmm.....
Nagdadrama lang talaga ako sa gabing ito, wala kasi akong makausap, wala pa namang net dito sa apartment, kaya maipopost ko palang 'tong artikulong 'to kapag nakasagap na ako ng wifi. Sinasabayan pa kasi ako ng ulan eh, kaya kung anu-ano tuloy nasususlat ko, kasalanan talaga 'to ng ulan.
Nagdadrama lang talaga ako sa gabing ito... ayaw kong magsinungaling sa sarili ko, kaya sasabihin kong,... nalulungkot talaga ako....
Sept 2, 2010
10:31 pm Bangkok Standard Time
No comments:
Post a Comment