Wednesday, January 13, 2010

Malas mo...

Sabi ng madame, hindi mo daw mapipili yung taong mamahalin mo,kasi dumadating sya pag hindi ka handa at isasabog nalang sa mukha mo bigla yung katotohanang nababaliw ka na sa kanya..WOOOOW!!! Ang solid!

Nakakapraning kasi yung mundo eh..ewan ko ba at kung bakit hindi ako normal!??
Noong bata naman ako, ang natatandaan ko maayos ang lahat, nakakakita ako ng tama, alam ko yung kaibahan ng kulay ng pula at berde.. Pero nagbago ang lahat nang isang araw na gumusing nalang ako na ang halos lahat ng sinasamahan ko mas babae pa kumilos kesa sakin...

OO,sila na nga! mga bakla ko sa buhay,,masaya, nakakatuwa, kasi ibang dimensyon, malalaim kesa sa inaakala, pero higit sa lahat kakaibang magmahal..
Nalintikan na ako!!!

Kaya ayon,.. nabiktima ako ng sarili kong lason, nahulog ako sa sarili kong bitag, natulala sa kawalan at naghihintay sa walang hanggan..

Siguro, mag-iisang taon nadin akong nagpapakagago sa pag-ibig na ako lang ang may likha, balde-baldeng luha at sipon nadin ang napundar ko, milya-milyang layo nadin ang natakbo ko pero hanggang ngayon hindi padin ako nakakarating,.. ay mali.. siya pala yung hindi makakarating..kasi naman eh.. kahit laklakin ko lahat ng alak, ibuga lahat ng usok, wala na ata talagang sagot sa tanong ko.. HIMALA nalang!!

Nakakalungkot,(syempre naman)! pero higit sa lahat, nakakahinayang.. kasi tama yung panahon eh, tama yung pagkakataon, tama yung buhay ko.. ( noong mga panahong yun), tama yung halos lahat sa akin... MALI lang yung taong minahal ko, kasi ibang klase ng tao yung mga gusto nya..


-OO nainlove ako...

2 comments:

  1. 'Malas mo, ikaw ang natipuhan ko!' hmm.. kun alam lan nya. sha ang pinakaswerteng tao nakakuha ng puso mong militar!

    ReplyDelete
  2. naks naman ang ganda naman ng post mo.... inlababo ka pala ngayon sis.. hehehe addkita huh

    ReplyDelete